Sa muling pagbubukas ng Italya na nakatakda sa Lunes, April 26, ay magkakaroon ng pagbabago sa ‘kulay’ ng ng bansa. Batay sa mga datos at indikasyon ng Cabina di Regia, na nagbabantay sa takbo ng virus sa bansa, ay pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa.
Malaking bahagi ng bansa, 14 rehiyon, ang nasa ilalim ng zona gialla. Samantala, 5 rehiyon naman ang nasa ilalim ng zona arancione at nag-iisa ang tanging rehiyon sa ilalim ng zona rossa.
Ang limang rehiyon sa zona arancione ay ang Basilicata, Calabria, Puglia, Sicilia at Valle d’Aosta.
Samantala, ang natatanging rehiyon sa zona rossa ay ang Sardegna
Samakatwid, ang mga rehiyon sa zona gialla ay ang sumusunod:
- Campania,
- Lazio,
- Lombardia
- Piemonte,
- Emila Romagna,
- Toscana,
- Friuli Venezia Giulia
- Veneto,
- Marche,
- Abruzzo,
- Liguria,
- Molise,
- Umbria,
- Trentino Alto Adige (PA di Trento at PA di Bolzano)
Basahin din:
- Pagbabago sa kulay ng mga Rehiyon simula April 12, 2021
- Decreto Riaperture, aprubado
- Centri Commerciali, kailan muling magbubukas ng weekend?