in

19 na Consiglieri Aggiunti, nalalapit na ang eleksyon sa Roma 

May kabuuang bilang na 19 ang muling mahahalal na mga Consiglieri Aggiunti bilang kinatawan ng mga dayuhan sa Campidoglio at sa mga Munisipyo sa Roma. 

Sa kapital ay muling magkakaroon ng eleksyon. Sa pagitan ng March 15 at June 15 (ang eksaktong petsa ay hindi pa naitatakda) ay muling mahahalal ang mga tinatawag na Comsiglieri Aggiunti bilang kinatawan ng mga non-EU nationals na residente sa Roma. 

Ang mga Consiglieri Aggiunti ay mayroong mahalagang papel na ilapit ang mga non-Europeans sa politika sa Roma Capitale sa pamamagitan ng kolaborasyon at diyalogo, lalong higit sa pamamagitan ng mga panukala upang ang Roma ay lalong maging inclusive at sensitive sa mga pangangailangan at karapatan ng lahat ng mga mamamayan nang walang itinatangi. 

Ang Consiglieri Aggiunti ay nasasaad sa Statute ng Roma Capitale. Nahalal sa unang pagkakataon ang mga Consiglieri Aggiunti noong 2004, sa panahon ni Mayor Walter Veltroni. Nagkaroon ng ikalawang eleksyon noong 2006 at nanatili sa loob ng mga Konseho hanggang 2013 sa panahon ni Mayor Gianni Alemanno. Sa loob ng pitong taon ay hindi na muli nagkaroon ng kinatawan ang mga dayuhan sa Comune at mga Munisipyo sa kabila na positibo ang naging kontribusyon ng mga unang nahalal na mga Consiglieri Aggiunti. Sa katunayan, nagsulong si Demos Councilor Paolo Ciani ng isang mosyon upang ibalik ang mga Consiglieri Aggiunti. Ito ay hindi pa natatalakay hanggang sa kasalukuyan ngunit nag-anunsyo na si Mayor Gualtieri na magaganap ang eleksyon ngayong taon. 

Ang mga Consigileri Aggiunti ay esklusibong iboboto ng iba’t ibang mga dayuhang residente sa Roma. Apat (4) ang mahahalal sa Comune at labinglima (15) sa mga Munisipyo – isa (1) sa bawat Munisipyo. May kabuuang bilang na 19. Walang karapatang bumoto at hindi kasama sa bilang o numero legale, ngunit maaaring magsulong ng mga panukala. Sila ang boses ng mga imigrante sa Comune at sa mga Munisipyo. 

Noong 2004, si Irma Tobias ang nahalal na Consigliera Aggiunta sa Comune at mayroong anim (6) na Pilipino naman ang nahalal sa mga Munisipyo. Noong 2006, nahalal sa Comune di Roma si Romulo Salvador at mayroong pito (7) na Pilipino sa mga Munisipyo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Bilang ng mga Covid19 infected sa Italya, pababa na 

Super Green Pass, mandatory sa workplace para sa mga over50s