Sinimulan kahapon ang bagong pamamaraan ng enrollment online ng Ministry of Education. Mga estudyante nagreklamo: mahirap diumano maka- connect sa website. Fonti Miur: “Ang website ay inihanda para sa 60,000 visitors per minute”. Alfonso Benevento, ang technical expert ng Ministry of Education ay tutulong upang harapin ang bagong sistema.
Rome, Enero 22, 2013 – Sa unang araw ng enrollment online ay umabot sa 20,000 ang enrollment forms na pumasok sa bagong sistema ng Ministry of Education, ang www.iscrizioni.istruzione.it.
Ayon sa Fonti Miur, umabot sa 7,000 ang naka-access online mula hatinggabi ng Jan 20 hanggang alas 6 ng umaga ng Jan 21. Ipinapaalam din ng Ministry na ang website ay inihanda para sa 60,000 visitors per minute at kasalukuyang inihahanda ang server para sa mas maraming visitors ang nasabing website. Hindi diumano inaasahan ang ganiotng bilang sa unang araw pa lamang.
Sa kabilang banda, ipinapaalala ni Giovanni Biondi na hindi dapat magmadali at ang enrollment ay bukas hanggang Feb 28, 24 hrs a day. “Walang dahilan upang magmadali dahil lahat ng aplikasyon ay tatanggapin hanggang Feb 28.
Samantala, ayon sa mga sources ng Ministry, hindi diumano na-personalized ng mga paaralan ang mga enrollment forms dahilan kung bakit mahirap sagutan ang mga ito at sa katunayan, karamihan ng mga tawag ay buhat sa Ufficio di relazioni con il pubblico ng mga paaarlan.