in

3 rehiyon ng Italya, kasama sa top 10 regions at risks dahil sa climate change

Tatlong italian regions ang kasama sa listahan ng mga nangungunang lugar sa Europa na may highest exposure sa climate risk. Ito ay ang mga rehiyon ng Veneto (ika-apat), Lombardia (ika-lima) at Emilia-Romagna (ika-walo) sa top 10 sa Europa. 

Ito ay nasasaad sa ulat ng XDI “Gross Domestic Climate Risk,” na inilabas noong nakaraang Lunes, 

Sa ulat ay sinusuri ang physical climate risk sa built environment sa mahigit 2,600 lugar sa buong mundo.

Naka-focus ang ulat sa lawak ng capital value na nasa panganib dahil sa pagbabago ng klima o climate change tulad ng pagbaha, heat waves, forest fires at marahas na mga bagyo.

Ayon kay Luca Iacoboni ng Ecco climate think tank ng Italya, ang hindi umano pagkilos ay higit kaysa sa pagpapatupad ng mga epektibo at ang angkop na mga hakbang. Aniya ay kailangan maglaan ng mga public investments para sa tunay na decarbonization at bigyan din ang mga privateinvestments ng mga insentibo. 

Para sa karagdagang impormasyon, https://xdi.systems/xdi-benchmark-gdcr/

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Suspek sa pagpatay sa 50-anyos na Pinoy sa Roma, umamin sa krimen 

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Esenzione Ticket per Reddito, paano gagawin ang renewal?