Simula ngayong araw, December 6, ay muling nagkaroon ng pagbabago sa tatlong bahagi o ‘zona’ ng Italya. Ito ay batay sa pinirmahang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza ukol sa pagbabago ng mga Rehiyon.
Sa katunayan, tatlong (3) rehiyon: ang Campania, Toscana, Valle d’Aosta at ang Provincia di Bolzano, (mula zona rossa) ay naging zona arancione habang limang (5) rehiyon naman ang bumalik na sa zona gialla (mula zona arancione). Ito ay ang mga rehiyon ng Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia at Umbria.
Ang rehiyon ng Abruzzo na lamang ang naiwang rehiyon sa zona rossa at inaasahan ang pagbalik nito sa zona arancione sa Miyerkules, December 9.
Samakatwid, narito ang mga Rehiyon batay sa huling mga pagbabago
- Zona Gialla: Lazio, Molise, Provincia Autonoma di Trento, Sardegna, Veneto, Liguria, Sicilia, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia, Umbria
- Zona Arancione: Basilicata, Calabria, Lombardia, Piemonte, Campania, Toscana, Valle d’Aosta, Provincia Autonomo di Bolzano.
- Zona Rossa: Abruzzo
Basahin din:
- Zona arancione at zona gialla. Narito ang pagbabago sa mga Rehiyon
- Zona Gialla: Narito ang mga maaari at hindi maaaring gawin.
- Zona Gialla, zona Arancione at zona Rossa, ang nasasaad sa DPCM