Bukod sa mga unang inilathala ng Akoaypilipino.eu, nasasaad din sa bagong CCNL ang pagpapahaba ng probation period para sa live-in job, anuman ang lebel o antas nito, simula October 1, 2020. Ito ay pinahaba sa 30 working days upang magkaroon ng mas mahabang panahon ang pamilya upang masuri ang ‘assistente familiare’, ang bagong tawag sa colf, badante at babysitter na itinalaga din ng nabanggit na CCNL sa domestic job na pinirmahan noong nakaraang Sept. 8, 2020.
Matatandaang ang 30 araw ng probation period ay para lamang sa mga nasa antas D at D Super na caregivers. Sa bagong CCNL, bukod sa mga nabanggit na antas, ay idinagdag din ang lahat ng live-in job, samakatwid kasama ang mga colf at babysitter, anuman ang antas o lebel. (PGA)
Basahin din:
- Bagong Contratto Collettivo Nazionale sa Domestic sector, pirmado na. Ang nilalaman.
- Patente di qualità sa domestic job, ano ito at paano magkaroon nito?
- Increase sa sahod sa domestic job, simula Jan. 1, 2021