Ang seasonal workers ay magta-trabaho sa agrikultura at sa turismo. Online ang mga aplikasyon ng hiring matapos ng publikasyon sa Official Gazette.
Roma, Pebrero 29, 2012 – Sa taong ito ay maaaring pumasok sa Italya ang 35,000 na mga seasonal workers na dayuhan, upang mag-trabaho sa agrikultura, turismo at hotel.
Ang atas na nagpapahintulot sa mga bagong entries ay pinirmahan ng pamahalaan at maaaring lumabas ito sa Official Gazette sa mga susunod na araw. Matapos itong mailathala, ang mga employer sa lalong madaling panahon ay maaari nang magsumite ng mga application sa trabaho sa pamamagitan ng Internet sa website ng Ministry of Interior www.interno it.
Ang mga pinahintulutang entries ng pamahalaan ay sapat upang matugunan ang lahat ng mga demands, kaya hindi na kailangan pang mag-unahan. Ang mga farms, restoran at hotel, gayunpaman, ay naniniwalang na hindi bababa sa isang buwan ang pagitan sa pagsumite ng kahilingan at ang pagdating ng mga manggagawa sa Italya. Kung kaya’t, kung madaliang kakailangan ang mga manggagawa, kailangang magmadali sa pagsusumite ng aplikasyon.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala lamang sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior, at ito ay maaari nang ihanda at ipadala sa tamang panahon. Ang sinumang hindi pamilyar sa mga computer ay maaaring humingi ng tulong at isumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng mga Job consultant at mga awtorisadong asosasyon.
Ayon sa naunang anunsyo, ang mga seasonal workers ay maaaring manggaling sa mga sumusunod na bansa: Serbia, Montenegro, Bosnia-Herzegovina, Macedonia, Pilipinas, Kosovo, Croatia, Indya, Ghana, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Ukraine, Gambia, Niger , Nigeria, Tunisia, Albania, Morocco, Moldova at Ehipto. Lahat ng mga upadeted details at mga petsa ng simula ng pagpapadala ng mga aplikasyon ay ipa-publish sa www.stranieriinitalia.it.
Sa application ay maaaring humiling ng multiple entry visa.Sa ganitong paraan, ang mga kompanya ay magagawang makuha muli ang parehong mga manggagawa sa susunod na taon, na magpapahintulot sa isang mas madaling pamamaraan at mas mabilis at hindi kakailangang maghintay sa pahintulot ng pamahalaan.