in

3,9 milyon – mga non-EU nationals sa Italya noong 2013

Sa taong 2013, ang pagtaas sa bilang ng mga dayuhang naninirahan sa Italya ay tinatayang umabot sa 110,000, mababa kumpara sa taong 2012. Naitala rin ang pagbaba sa bilang ng mga bagong permit to stay na inisyu sa nabanggit na taon: 256,000.

Roma, Agosto 25, 2014 – Hanggang Enero 1, 2014, ang mga non-EU nationals na regular na naninirahan sa Italya ay tinatayang aabot sa 3,874,726, higit ng halos 110,000 kumpara sa naunang taon. Ang mga pangunahing non-EU nationals ay nagbuhat sa mga bansang: Morocco (524,775), Albania (502,546), China (320,794), Ukraine (233,726) at Pilipinas (165,783). Ito ang 5 pangunahing komunidad na bumubuo sa higit 45% ng kabuuang bilang ng mga dayuhan sa kasalukuyan.

Ito ay ayon sa Istat, batay sa mga datos na ibinigay sa Ministry of Interior kung saan malinaw na nasasaad na ang taunang pagtaas sa bilang ay bumama (sa pagitan ng 2012 at 2013, ang pagtaas sa bilang ay 127,000), tulad rin ng pagbaba sa bilang ng mga inisyu na permit to stay: 255,646 sa nakaraang 2013, 263,968 sa taong 2012. Bumama rin ang bilang ng mga bagong dating na mga kababaihan (-5.0%) kumpara sa mga lalaki (-1.4%).

Kumpara sa taong 2012, ay tumaas naman ang bilang ng mga permit to stay para sa trabaho (19.3%) samantala, naitala naman ang pagbaba sa bilang ng mga permit to stay na inisyu para sa ibang dahilan tulad ng famiglia, bumaba ng 10%, studio ay bumaba ng 12% at asylum at humanitarian ay bumaba naman ng 16,5%.

Ang mga menor de edad sa Italya ay kumakatawan sa 23.9% ng mga non-EU nationals na regular na naninirahan. Patuloy ang pagtaas sa bilang ng mga inisyu na carta di soggiorno: mula sa 2,045,662 noong nakaraang Enero 1, 2013 na kumakatawan sa 54.3% ng lahat ng regular na naninirahan, ay tumaas sa 2,179,607 nitong Enero 1, 2014, o ang 56.3% ng mga non-EU natioanls sa kasalukuyan. Partikular na mataas ang bilang sa Centre-North na pawang mga carta di soggiorno holders kabilang ang mga Albanians, Tunisians, Moroccans at mga Egyptians (mula sa 68.9% hanggang 57%).

Bilang patunay na ang migrasyon ay angkop sa mga plano sa buhay, higit sa 82% ng mga non-EU nationals ang naging regular salamat sa Sanatoria 2002 ay nananatiling regular ang pananatili sa bansa hanggang Enero 2014. Bukod dito, halos 80% ng mga naging regular na nanatili sa Italya ay nag-aplay ng conversion ng dokumento sa EC long term residence permit o carta di soggiorno.

Sa taong 2012, ang nagkaroon ng italian citizenship ay umabot sa 65,383. Sa mga ito, 91.9% (o 60,060) ang nagbuhat sa mga non-EU countries. Sa parehong taon, ang citizenship for residency ang dahilan ng mga dating non-EU nationals at umabot sa 22,844 ( o 38%), samantala ang citizenship for marriage naman ay umabot sa 17,835 (o 29.7%). Para sa mga kababaihan, ang pag-aasawa ng Italyano ay kadalasang nagiging dahilan ng citizenship: at umabot ito sa 47% sa kabuuang bilang ng mga kababaihan samantala 11,2 % lamang ang mga kalalakihan.

Nangunguna ang mga Moroccans (14,728) at Albanians (9493), at sinusundan naman ng mga Tunisians at Indians ang mga pangunahing komunidad na nag-aaplay ng Italian citizenship.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno per famiglie numerose, ibibigay ng Inps simula Enero 2013

Pilipinas, ika-8 sa Top 10 countires ng ice bucket challenge