Kabilang ang 2 asosasyon ng mga Pilipino sa Italya: ASLI – Associazione Stranieri Lavoratori in Italia at Ofw Watch, sa apat na asosasyon ng mga imigrante na sumulat sa Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte upang humingi ng higit na proteksyon para sa sektor ng mga manggagawa na higit na apektado sa matinding panahon ng krisis.
Kasama ang Professione in Famiglia, asosasyon ng mga employers at MigrAzione Associazione di persone e culture, isa pang asosasyon ng mga imigrante, ay lumalapit sa gobyerno upang mabigyang tulong ang mga manggagawa na halos hindi na nakita ay nakalimutan pa.
“Ang mabigat na pinagdadaanan ng bansang Italya ay apektado ang mga taong hindi self-sufficient, ang mga pamliya ng caregiver at colf, at lahat ng mga nasa serbisyo boluntaryo man o empleyado”.
“Kung ang pamilya ang magdesisyong tanggalin sa trabaho ang live-in caregiver – ang huling nabanggit ay hindi lamang nawalan ng trabaho kundi pati ng tahanan kung saan maninirahan”. Pati ang mga nasa ‘lavoro nero’ at mga undocumeted sa bansa na walang matatanggap na anumang ayuda mula sa gobyerno tulad ng unemployement benefit. Bukod dito, ang pamliya na tumanggap dito ay lumalabag din sa batas”.
“Sa lalong madaling panahon ay simulan ang komprontasyon sa mga social organization upang gawin ang mga hakbang at agarang maipatupad at masimulan ang reporma na magbibigay ng angkop na paraan at hakbang sa isang lumalalang sitwasyong alam ng lahat”.
Kabilang sa kahilingan sa Gobyerno ng mga asosasyon para sa mga pamilya at manggagawa ay ang sumusunod:
- Contributo per il sostegno alla sospensione della prestazione lavorativa (Tulong pinansyal sa paghinto sa trabaho)
- Apertura flussi per lavoratori domestici (Pagbubukas ng Direct hiring sa domestic job)
- Accesso al sistema sanitario anche senza tessera sanitaria per gli irregolari (Access sa health system kahit walang tessera sanitaria para sa mga undocumented)
- Copertura malattia in quarantena e ricovero C19 (Sick leave para sa mga nasa quarantine o nagpapagaling sa C19)
- Congedo parentale anche per le badanti (Leave para sa mga caregivers)
Hiling din ng mga asosasyon na magbaba ng Sanatoria o Regularization para sa mga undocumented sa bansa. (PGA)