Ito ay bilang pag-iingat ngunit walang anumang panganib sa kalusugan ng mga mamamayan.
Roma, Oktubre 24, 2012 – Ang Ministry of Health at ang Agenzia Italiana per il farmaco ay ipinagbabawal ang paggamit ng apat na bakuna anti-flu ng Swiis multinational Novartis bilang pag-iingat sa posibleng pagdami ng side effects nito, sa pamamagitan ng isang pahayag (note) mula sa ministeryo.
Ang mga bakuna na tinutukoy ng ministeryo ay ang Agrippal, Influpozzi sub unià, Influpozzi adiuvato at Fluad.
"Hinihiling sa mga mamamayan ang hindi pagbili o paggamit sa mga naturang bakuna hanggang sa paglabas ng karagdagang abiso ukol dito,” mababasa sa pahayag.
Ang AIFA, batay sa mga dokumentasyon na isinumite ng Novartis, "ay nagpahayag ng pangangailangan sa karagdagang pagsusuri sa kalidad at kasiguruhan, dahil ang mga ito ay maaaring magkaroon ng mas mataas na reactogenicity, o kapasidad na magbigay ng mga side effects and undesirable reactions.
Noong nakaraang linggo, ang ministeryo ay naghayag ng partial collection ng mga bakuna bilang paghahanda sa nagsisimulang panahon ng flu o influenza kasabay ang paghahayag na ito ay isang pag-iingat lamang at walang anumang panganib sa kalusugan.