Batay sa inilahad na datos ngayong araw, pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa kung saan ang mga rehiyong Basilicata, Calabria, Lombardia at Piemonte, mula sa zona arancione ay magiging zona gialla na. Ito ay ipatutupad simula December 13.
Samantala, batay sa naging desisyon ng TAR ngayong araw, ay sinususpinde naman ang naging ordinansa ni Presidente Marsilio. Ayon sa TAR ang unahang gawing zona arancione ang rehiyon ng Abruzzo (mula sa zona Rossa) ng Dec 7 ay hindi naaayon sa batas. Dahil dito ay ibinabalik ang rehiyon sa zona rossa hanggang sa ipatupad ang oridnansa ng Ministro sa December 13. Samakatwid, ang rehiyon ng Abruzzo ay muling zona rossa hanggang sa Sabado, December 12 at sa December 13 ay magiging zona arancione. (PGA)
Narito ang magiging sitwasyon ng mga rehiyon simula December 13
- Zona Gialla: Lazio, Molise, Provincia Autonoma di Trento, Sardegna, Veneto, Liguria, Sicilia, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia, Umbria, Basilicata, Calabria, Lombardia, Piemonte
- Zona Arancione: Campania, Toscana, Valle d’Aosta, Provincia Autonomo di Bolzano, Abruzzo
- Zona Rossa:
Basahin din:
- Zona arancione at zona gialla. Narito ang pagbabago sa mga Rehiyon
- Zona Gialla: Narito ang mga maaari at hindi maaaring gawin.
- Zona Gialla, zona Arancione at zona Rossa, ang nasasaad sa DPCM
- 3 Rehiyon sa zona arancione at 5 Rehiyon sa zona gialla