in

5425,00 HALAGANG KAILANGAN PARA MANATILI NG ITALYA

Pagbabago ng halaga ng social allowance (o assegno sociale), basehan sa renewal ng permit to stay pati ng family reunification

Sa pagpasok ng bagong taon, nadagdagan din ang halaga ng ‘assegno sociale’, ‘social allowance’ o pension, na ibinibigay ng gobyerno sa mga matandang mahihirap. Umaabot ito ng 417.3 € bawat buwan, na ika labing tatlong buwan ng halagang € 5,424.9 sa bawat taon.

Ang allowance ay ibinibigay sa mga Italyano at EC nationals na hindi bababa ng 65 anyos, nanirahan dito sa Italya ng halos sa sampung taon at may kita o sahod sa isang taon na mas mababa kaysa sa halaga ng allowance. Ang mga imigrante (o non EC nationals) din ay maaaring tumanggap ng nasabing allowance kung sila ay may EC long term residence permit o mas kilala pa rin bilang carta di soggiorno.

Iilan lamang ang mga imigrante na maaaring tumanggap nito dahil hindi lahat ay mayroong EC long term recidence permit. Ang halaga ng social allowance ay ginagamit ring madalas na basehan upang suriin ang pang-ekonomiyang kapasidad  upang manirahan sa Italya o upang dalhin ang pamilya dito sa Italya sa pamamgitan ng family reunification.

Upang i-renew ang permit to stay sa trabaho, halimbawa, kailangan ng isang taunang kita ng hindi bababa sa nasabing allowance. Para sa family reunification naman, ang dapat na kita ay katumbas ng allowance at madadagdagan ng kalahati ng halaga nito sa pagdagdag ng bilang ng bawat ka pamilya na gusting papuntahin ng Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paaralan, gawa sa plastic bottle!

FAKE NA RECRUITMENT, NATUKLAS!