Simula Jan 17 hanggang Jan 31, ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona gialla ang 6 na rehiyon ng bansa. Ito ay ang Campania, Basilicata, Molise, Provincia autonoma di Trento, Sardegna at Toscana.
Ang zona gialla ay naglalarawan ng katamtamang lebel ng panganib.
Sa zona gialla ay ipinagbabawal ang paglabas o pagpunta ng ibang Rehiyon maliban na lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Bukas ang mga bar at restaurants hanggang 6pm. Hanggang 4 na katao lamang sa isang table ang pinahihintulutan.
Ang mga museums ay bukas tuwing working days sa zona gialla. Ang pagpasok ay sa pamamagitan ng reservation.
Kahit sa zona gialla ay kailangang sundin ang mga mga sumusunod na preventives measures, katulad sa zona rossa at arancione.
- Ipinagbabawal ang paglabas at pagpunta sa ibang rehiyon.
- Ang curfew mula 10pm hanggang 5am,
- Tanging ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan lamang ang pinahihintulutang dahilan ng paglabas ng Rehiyon at sa oras ng curfew. Palaging pinahihintulutan ang pagbalik sa sariling tahanan kung saan opisyal na residente at kung saan naninirahan o domiciliato. Ang mga nabanggit ay patutunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione.
- May pahintulot isang beses sa maghapon ang pagbisita sa miyembro ng pamliya o kamag-anak mula 5am hanggang 10pm hanggang dalawang katao lamang na non-conviventi. Ang mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang.
- Mahigpit ang rekomendasyon na manatili sa sari-sariling bahay sa malaking bahagi ng maghapon at iwasan ang paggamit ng public at private transportation, maliban na lamang kung kinakailangan.
- Sa DPCM ng Jan 14 ay pinahihintulutan ang pagpunta sa ikalawang bahay kahit nasa ibang rehiyon. (PGA)