Ayon sa pinakahuling ulat ng Censis-Assindatcolf, updated taong 2017, anim sa bawat sampung domestic worker ay hindi regular at walang kontrata o ‘nero’. Ang mga regular na rehistrado sa Inps, sa katunayan, ay higit na mas kakaunti sa totoong bilang nito: sa 2 milyong domestic workers, tanging 864.526 lamang ang mayroong regular na kontrata, ayon sa Sole 24 Ore.
Tila isang kasunduan na papabor sa dalawang partes: ang employer ay hindi magbabayad ng kontribusyon at ang colf naman ay hindi magbabayad ng buwis.
Gayunpaman, kahit ito ay alam ng Guardia di Finanza at Ispettorato Nazionale del Lavoro, ito ay nanatiling isang reyalidad na natatakasan ng marami dahil na rin sa hindi sapat na pamamaraan ng pagtugis dito. Sa katunayan, ang pagsusuri ay ginagawa sa 300 kaso lamang taun-taon.
Ayon sa mga ahensyang nabanggit, ang kontrol o pagsusuri ay limitado lamang dahil ang place of work o sa loob ng tahanan mismo ng mga employers at halos imposible ang makontrol. “Sa place of work ay walang regulasyon kung paano magkokontrol” kumpirma ng Inps.
Sa katunayan, karamihan ng mga kaso ng lavoro nero ay nalalaman lamang ng awtoridad matapos ang pagrereport mismo ng mga colf, matapos ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng pamilya at ng worker.
“Mas epektibo pa rin ang kontrol sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga dokumento”, dagdag ng Inps.
Ngunit kung tunay na hindi madali ang matugis ito, totoo rin na malaki ang panganib na hinaharap ng mga pamilya na tumatanggap ng colf na walang kontrata, partikular sa panahon ng hindi pagkakasundo at hahantong sa ‘contenzioso’ o demandahan na maaaring umabot hanggang 20-30,000 euros kasama ang kontribusyon at sahod/benepisyo na dapat ibigay sa colf.
Ngunit kung ang pagsusuri o kontrol ay mahirap gawin tulad ng nabanggit, ang asosasyon ay nagbigay ng mahalagang mungkahi.
“Total deduction sa buwis ng kabuuang halagang ipinasahod sa colf at hindi deduction lamang ng kontribusyon”, ayon dito.