Muling tumaas sa 629 ngayong araw, August 15, ang bilang ng mga new cases ng coronavirus sa Italya sa huling 24 oras. Nagtala naman ng 4 na biktima. Ito ay ayon sa ulat ng Ministry of Health.
Ang pagtaas ay higit na naitala sa Veneto (+120), Lombardia (+94) at Emilia Romagna (+71). Walang naitalang bagong kaso sa Trentina at Valle d’Aosta.
Kahapon, August 14, ang bilang ay 574 at may 3 biktima.
- Confirmed Cases – 253,438
- Active Cases – 14,406
- Recovered – 203,640
- Deaths – 35,234
- Fiduciary isolation – 13,587
Mula sa ulat ng Istituto Superiore di Sanità o ISS at ng Ministry of Health mula August 3-9, ang Rt index ay katumbas o bahagyang higit sa 1 sa 9 na rehiyon sa bansa, habang my 925 bagong focolai.
Mula 12 rehiyon noong nakaraang linggo, ay bumaba sa 9 ang mga rehiyon.
Abruzzo 1.33
Basilicata 0
Calabria 0
Campania 0.86
Emilia Romagna 0.77
Friuli Venezia Giulia 0.32
Lazio 0.99
Liguria 1.05
Lombardia 1.13
Marche 1.02
Molise 0
Provincia di Bolzano 0.97
Provincia di Trento 0.78
Piemonte 1.04
Puglia 1.14
Sardegna 0.33
Sicilia 1.41
Toscana 1.28
Umbria 0.76
Val D’Aosta 0.37
Veneto 1.20
Lumampas na sa 750,000 ang mga naging biktima ng Covid19. Ayon sa huling ulat, umabot na sa 750,471 ang mga namatay dahil sa coronavirus at umabot na sa 20.7 milyon katao ang mga nahawahan nito sa buong mundo. Nangunguna ang USA (166,038), sa mga bansa kung saan naitala ang pinakamaraming bilang ng mga biktima. Sinundan ito Brazil (105,463), Mexico (55,293) at India (47,033).
Samantala sa Europa ay mahigpit ang pagbabantay sa mga boundaries dahil sa banta ng virus.
Sa Italya, ay simulang sumailalim sa rapid test ang mga dumarating mula sa Croatia, Greece, Malta at Spain, ayon sa direktiba ni Italian health minister Roberto Speranza.
Sa Great Britain ay ipinatutupad ang 14-day quarantine sa mga manggagaling sa France at Netherlands. Pati mula sa mga bansang Monaco at Malta. Matatangdaang simula Hulyo ay may 14-day quarantine ang mga mula sa Spain at noong nakaraang linggo naman ay idinagdag sa restrictions ang mga bansang Andorra, Belgium at Bahamas. Ang Great Britain ang unang bansa sa bilang ng mga namatay dahil sa covid sa Europa na may higit sa 41,000.
Sumagot naman ng France sa Great Britain ng parehong restriction: 14-day quarantine sa mga manggagaling mula sa Great Britain.
Nagtala naman sa huling 24 oras ang bansang Spain ng halos 3,000 (2,935) ng mga bagong nag-positibo sa virus, kung saan ipinag-utos na ang pagsasara ng mga discohouse at ang pagbabawas sa oras ng mga bars.
Sa Germany naman ay nagtala ng 1,445 new cases. (PGA)