Turismo, komersyo, construction, gawaing-bahay at services to person, ito ang mga sektor na nangangailangan ng mga personnel. Samantala, boom ng mga Romanian nurses.
Roma – Hunyo 5, 2012 – Ang krisis ay patuloy, at ang trabaho ay hindi palaging natatagpuan sa isang kisap mata. Ang mga sector kung nasaan karamihan ng mga banyagang manggagawa ay patuloy na nangangailangan ng mga personnel.
Mula sa data base ng Excelsior ng Unioncamere at data base ng Ministry of Labor, ang Hume Foundation ay hinanap ang mga kumpanya na nangangailangan ng mga personnel. Bilang resulta, inilathala noong nakaraang sabado sa pahayagang La Stampa, sa Italya ay may 633,740 job offers.
“Sa pagbabasa sa mga detalye– ayon sa pahayagan – ay hindi tumutukoy sa tira-tirang trabaho ng high innovation sector. Nangangailangan sa halip ng mga cooks, maids, caretakers, janitors. “Ang 26.4% ng mga possible hiring buhat sa italian companies, o ang 167.280 job offers ay pawang mga board and lodgings services. Sumunod naman ang komersyo (9,8 % o 62,310), construction (9,0 % o 57,290), at samakatwid pawing mga serbisyo sa tao, kumpanya at transportasyon.
Ang pagsusuri ay tumutukoy din sa top five most popular professional figures sa first semester ng 2012.
Nangunguna sa listahan ang mga cooks, waiters at iba pang mga propesyon sa turismo, na may 83,870 hiring, sinundan ng 38,860 ng serbisyo sa paglilinis at ibang serbisyong pantao tulad ng colf at caregivers. Sa ikatlong pwesto ay ang mga technical, financial and banking administrators. Sinundan ng mga construction workers, mga receptionists at mga customer care.
Ano ang mga pinaka angkop na lugar sa paghahanap ng trabaho? Ayon sa Hume foundation, ito ay ang Rome (7,2 % ng kabuuang job offers), Milan (6,6 %), Naples (3,9 %), Turin (3,3 %), Verona (2,6 %). Samantala ang mga rehiyon naman ay ang mga sumusunod: Lumbardy (99.500 job offers), na sinusundan ng Emilia-Romagna, Veneto at Lazio.
Samantala, isa pang survey ang isinagawa ng National Youth Forum sa pakikipagtulungan ng CNEL na binilang ang mga Italian professionals na iniwan ang Italya sa pagitan ng 1997 at 2010 upang magtrabaho sa ibang bansa ng EU at ang mga mula naman sa ibang bansa ng EU na pumunta sa Italya upang magtrabaho. Natuklasan na ang diperensya sa mga pumasok at lumabas ng bansa ay positibo ng isang libo at nagunguna sa mga pumapasok ng Italya ay ang mga Romanians, 44% ng kabuuang bilang na pawang mga nurse.
“Tila mayroong – pansin ng mga mananaliksik – isang hindi pagkakatugma ng paglabas ng mga professionals ng high value sa pagpasok ng mga professionals na mayroong lower level ng pag-aaral. Ang positibong epekto (mas maraming pumasok kaysa sa lumabas) ng mga specialized nurses, physical therapists, dentists, beauticians, hairdressers at ang negatibong epekto naman (mas maraming lumabas kaysa sa pumasok) ng mga elementary at higi school teachers, mga duktor, abugado, veterinarians, farmacists, architects, midwives at mga opticians.