in

64% ng mga migrante umuupa ng bahay

Ito ay ayon sa isang interview ng Uil sa 1300 migrante

Sila ay may mataas na antas ng edukasyon, nagta trabaho bilang mga empleyado, may average age na 39 taon, residente sa Italya sa higit na anim na taon at 64% sa kanila ang may regular na kontrata sa pag upa ng isang apartment.

Ito ay ang karaniwang kondisyon ng pamumuhay ng mga migrante sa Italya. Ito ay ayon sa pakikinayam ng Ital UIL sa halos 1300 migrante na kumatok sa kanilang opisina upang mag renew ng kanilang mga permesso di soggiorno.

Animnapu-walong bansa ang pinagmulan ng mga respondents; may representasyon ng Moroccan nationals (16.6%), Albanians (11.7%), Ukrainians (11.5%), Moldovans (4.8%) at Tunisia (4 , 8%). 64% sa kanila ang may regular na kontrata sa house rental, 73.6% ang gumagastos mula 200 hanggang 600 € bawat buwan. Isang gastos na patuloy na tumataas mula 400 hanggang 700 €, at 63.8% naman ang mga nag mamay ari ng sariling bahay at nagbabayad ng monthly mortgage.

Sa North, sa ang mga lalawigan ng Milan, ay ang mga pangunahing lalawigan kung saan mataas ang popolasyon ng mga dayuhang bumili nà ng ari-arian (30.6%). Sa 1300 respondents, 5.3% lamang ang nagbunyag ng kawalan ng kontrata sa bahay: isang bagay na mas mataas sa South, na may 13.8%, karamihan nito ay mula Naples na may 14.7%. Sa harap ng tipolohiya ng buhay sa sentro, 39.6 % ng mga migrante ang karaniwang naninirahan sa mga kalapit bayan at 33% sa kanila ay naninirahan naman sa di kalayuan sa sentro.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Umabot na sa 243 ang kasalukuyang requests for Italian language exam

Kilos protesta kontra sa Circular 29