Isang boom para sa labing-isang website sa iba’t ibang wika. Luciano: “Ang mga mahahalagang impormasyon sa iba’t ibang wika ay mahalaga, sa lalong madaling panahon ang buong network sa mga mobile phones”
Rome – Higit sa 700,000 ang mga naging mambabasa sa buwan ng Oktubre lamang ng stranieriinitalia.it at ng labing-isang website sa iba’t ibang wika para sa maraming komunidad .
“Isang magandang resulta batay sa mabilis na pagdami ng mga readers ng mga website sa iba’t ibang wika para sa mga komunidad – ang mga pangungusap ni Gianluca Luciano ang publisher ng stranieriinitalia.it – na sa pamamagitan ng mga ito, ang aming mga mambabasa ay maaaring malaman ang araw-araw na mga kaganapan sa kanilang komunidad sa Italya sa kanilang sariling wika. Ang malaking bilang ng mga readers ay nagpapakita na may malaking demand para sa impormasyon na ang mga website at ang www.stranieriinitalia.it – ay hindi pa magawang tugunan kaagad. Ito ay ang simula lamang..”
“Upang makamit ang mga resultang ito – paliwanag pa ng publisher -. lahat ng aming mga website ay maaari ring subaybayan sa mas malawakang access sa pamamagitan ng social network tulad ng Facebook at Twitter. Sa lalong madaling panahon, ay matatagpuan na rin ang on-line version sa mga mobile phones at hand held computers. Isang pagbabago na kinakailangan dahil mahalagang maabot ang lahat ng mga mambabasa na gumagamit ng mga pinakabagong henerasyon ng smart phone.”
Para sa mga hindi naman pamilyar sa Internet, ay matatagpuan ang mga pahayagan. “Labintatlong pahayagan sa iba’t ibang wika na taun nang naglilingkod sa mga mambabasang nalimutan ng mainstream media. Mayroon kaming higit sa 600,000 mga mambabasa bawat buwan, na karaniwang iba sa mga sumusubaybay sa amin sa web. Ito ay isang synergy na nagbibigay-daan sa amin upang makipag-talakayan bawat buwan sa may higit sa 1,300,000 mga mambabasa” – pagtatapos ni Gianluca Luciano.