Lumago ng 12.5% sa isang taon, ayon sa pag-aaral ng Moressa Foundation. Researcher: “Isang mahalagang factor para sa paglago ng ekonomiya ng mga sariling bansa”
Roma – Mayo 7, 2012 – Ang mga imigrante sa Italya ay nagtala sa taong 2011 ng 7.4 billion euros remittances, isang pagtaas ng 12.5% sa nakaraang taon. Ayon sa pag-aaral ng Leone Moressa Foundation, na nagsuri ng daloy ng pera na lumabas ng regular, buhat sa mga imigranteng naninirahan sa Italya.
Ang laki ng remittances. Noong 2011 ang remittances na lumabas ng Italya ay 7.4 billion euros, isang pagtaas ng 12.5% sa naunang taon. Tumaas din ang halaga ng bawat remittances: isang average na remittance ng bawat dayuhan sa sariling bansa sa higit sa 1600 € bawat taon, isang pagtaas mula sa 1552 € na naitala noong 2010. Upang matiyak ang laki ng mga remittances sapat nang isipin na ang kabuuang halagang lumabas ng Italya ay katumbas ng 0.47% ng GDP: ito ay isang pagtaas mula sa 0.42% na naitala ng nakaraang taon.
Destinasyon ng mga remittances. Ang Asya ay ang kontinente higit na tumatanggap ng remittances mula sa Italya. Sa katunayan, halos 4 bilyong euro, o ang 52% ang Asian macro focus ng mga money transfer; ang natitirang 24,4% ay para sa mga hanggahan ng Europa, 12.1% sa Amerika at ang 11.5% naman sa Africa. Kumpara sa taong 2010 halos lahat ng destinasyon ay nagkaroon ng pagtaas sa halaga ng mga remittances: Ang Asya ay nakatanggap ng 23.4% pagtaas sa halagang ipinadala, ang America ng higit na 5.2%, ang Africa ng 3.1% at ang Europa ng 1,6%.
Sa lahat ng mga bansa, ang China ay ang bansang may tinanggap na pinakamalaking remittance, ang 2.5 bilyong euro, na sinusundan ng Romania (894 million euro), Pilipinas (601 million euro) at Morocco (299 million euro). Ang pangunahing bansang ito ay nagpapakita ng isang pagtaas ng money transfer, maliban sa Pilipinas na nagtala ng isang pagbaba ng -19,1%. Para sa bansang China natala ang +39,7%, ang Romania ng +3% at para sa Morocco +5.8%.
Kung ang remittance ng bawat tao ang pag-uusapan, bawat Intsik na naninirahan sa Italya ay nagpapadala ng higit sa 12,000 euro bawa’t isa, ang pinakamataas na halaga sa lahat ng nationalities. Ayon sa Moressa Foundation, ito ay nangangahulugan na ang bawat Tsino sa Italya ay makakabuhay ng 3,9 Intsik sa sariling bansa, at sa kabuuan ay higit sa 800,000Tsino. Samantala, ang 4.484 € remittance naman ng Filipino ay sumusuporta sa isang komunidad ng mga 394,000 mamamayan sa Pilipinas, 629,000 ang mga Bengalis, at 348,000 naman ang mgaSenegalese.
Ang detalye bawat lalawigan. Ang Roma ay ang lalawigan kung saan lumalabas ang pinakamalaking halaga ng remittances patungo sa ibang bansa: halos 2 bilyong euro, katumbas ng one fourth ng kabuuang remittances na lumalabsa ng Italya. Sumunod ang Milan, Naples at Prato. Para sa mga nabanggit na lugar, ang unang bansang target ay ang China, ngunit sa lahat ang Prato ay ang lugar kung saan halos lahat ng padala ay patungong Asian: 91% ng kabuuang remittances sa lalawigan. Sa Romania ang unang bansa kung saan patungo ang mga remittances buhat ng Turin at Treviso, habang ang Pilipinas naman ang unang bansa ng mga remittances buhat sa Bologna (upang mabanggit lamang ang mga pangunahing lungsod).
“Dahilan ng Paglago“
“Ang mga remittances mula sa ibang bansa ay isang mahalagang factor ng seguridad at ng paglago ng ekonomiya ng mga sariling bansa. Dapat isaalang-alang na ang mga imigrante ay isang indibidwal na naglalaan ng sarili bilang yamang sa sariling bansang nahuhuli sa paglago”, ayon sa isinulat ng isang mananaliksik. Ang pagkilalang nasyunal at internasyunal sa mga remittances bilang isang instrumento ng pag-unlad ay nag-ambag sa paglipas ng panahon upang mabawasan ang service fee ng mga money transfer, at ginagawang mas transparent at mas competitive sa operasyon ng industriyang ito.”
“Ito rin ang dahilan kung bakit, sa huling taon, ay nakita ang malaking pagtaas ng remittances. Totoo rin sa kabilang panig –pansin ng mga authors sa research- kung titingnan ang Italya, ang 7,4 billion euros ay ipinadala sa ibang bansa, ngunit kinita sa Italya, ngunit hindi dito ginastos o ipinuhunan. Upang mapakinabangan ang halagang ito, dito sa Italya, para sa investments, kailangan na ang mga dayuhan ay nasa posisyon upang bumuo ng isang proyekto sa ating bansa, sa pamamagitan ng paglikha ng isang kumpletong direksyon ng integrasyon sa lipunan, ekonomiya at trabaho “.