in

78,313 naitalang bagong kaso ng Covid19

Nagtala ang Protezione Civile at Ministry of Health ngayong araw, Martes, December 28, 2021, ng 78,313 karagdagang kaso ng Covid19 sa Italya. Ang bilang naman ng mga pumanaw ay 202. Ito ang pinakamataas na datos na naitala sa fourth wave ng Covid19 sa bansa. Sa huling 24 na oras, 1,034,677 ang mga sumailalim sa swab tests at 7.6% ang positivity rate. 

Sa kasalukuyan sa Italya ay 598,856 katao ang positibo sa Covid19.

Ang mga Rehiyon kung saan mataas ang bilang ng Covid19 cases

Lombardia – 28,795 new cases

Piemonte – 7,933 new cases

Veneto – 7,403 new cases

Campania – 7,181 new cases

Toscana – 4,453 new cases

Lazio – 4,288 new cases

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19kahit pa bakunadao na. Dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, sundin ang physical distancing, at palaging maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizers.Magpabakuna para sa proteksyon laban sa Covid19 hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga mahal sa buhay at kaibigan. 

Para sa karagdagang impormasyon, www.salute.gov.it

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Sahod ng mga colf simula Enero 2022, hindi na cash at dapat traceable

FFP2 protective mask, saang lugar at hanggang kailan obligadong gamitin?