Pirmado na ng presidente ng Republika Sergio Matarella ang unang dekreto at handa na rin ang iba pang 79 na magpapawalang bisa sa italian citizenship.
Ito ay matapos matimbog ang malawakang modus operandi sa Cagliari kung saan sangkot pati ang ilang empleyado ng Ministry of Interior. Palsipikado ang mga dokumento at kulang sa mga requirements ngunit nabigyan pa rin ng Italian citizenship ang mga dayuhan.
Ayon sa imbestigasyon, tinatayang aabot sa 40,000 hanggang 50,000 ang tinanggap na halaga ni Sandro Rosa, ang emplyedo ng Ministry of Interior, para sa mga fake na dokumento na pumasok sa online system ng Sicitt. Dahil dito, 1,500 aplikasyon sa italian citizenship ang kasalukuyang sinusuring mabuti ng CNAIPIC o Centro Nazionale Anticrimine Informatico per la Protezione delle Infrastrutture Critiche.