Unti-unting nararamdaman ang pamumuhay muli ng normal sa Italya. Salamat sa pambihira at epektibong vaccination campaign, na sa loob lamang ng ilang buwan ay umabot sa 46,5 milyong mga katao ang nabakunahan kontra Covid19. Ito ay kumakatawan sa 86% ng populasyon over 12.
Ang Italya, batay sa mga datos na nabanggit ay may mas mataas na numero kaysa sa average number ng Europa at naunahan ang mga bansa tulad ng France, Germany at United Kingdom.
Ang vaccination campaign ay nagpapatuloy, ang aming layunin ay malampasan ang 86% ng populasyon at umabot sa 90%”.
Ito ay ayon kay Emergency Commissioner Francesco Paolo Figliuolo sa isang video message sa Salone della Giustizia.
Salamat sa vaccination campaign, nalampasan natin ang panahon ng kagipitan. Ang Italya ay muling nagbubukas at muling bumabangon sa panibagong pagsisimula, ngunit hindi natin malilimutan ang mga nagdusa at nahirapan. Pati na rin ang mga nagsumikap makatulong”.
Ayon kay Premier Mario Draghi.
Samantala, ayon sa ranking ng Gimbe Foundation, ang Sardegna ang nangunguna sa Italya sa pagbabakuna ng mga mag-aaral, habang ang Veneto, na sinusundan ng Marche ay ang mga nangunguna naman sa pagbabakuna sa mga staff ng mga paaralan. Nahuhuli naman ang parehong Autonomous Province of Bolzano.
Ayon sa ulat noong Oktubre 25, 2021, 67.2% ng populasyon ng mga 12-19 taong gulang (3,064,055) ang nakakumpleto ng mga dosis ng bakuna at 5.5% (249,401) ang mga nakatanggap ng unang dosis.
Samantala, ang mga batang hindi pa bakunado ay may bilang na 1,243,466 (27.3%): 19.6% sa Sardegna at 43.8% sa Autonomous Province of Bolzano.