Ayon sa survey ng Leon Moressa Foundation
Roma, Agosto 3, 2012 – Ang average amount ng pay envelope ng isang imigrante ay 973 euro kada buwan, mas mababa ng 316 euro kumpara sa isang Italian employee (mas mababa ng 24.5%). Sa Northern Italy, lalo na sa Northeast (Friuli Venezia Giulia, Trentino Alto Adige at Veneto) ay mas mataas ang mga pay envelopes ng mga ito at bahagya lamang ang pagkakaiba sa mga Italians. Ang mga kababaihang dayuhan ay kumikita ng 790 kada buwan, walang pagkakaiba sa mga dayuhang mas mataas ang pinag-aralan, may mas mataas na sahod ang mga nagtatrabaho sa manufacture at construction, mas mababa naman sa mga nagtatrabaho sa sector ng service to person and to companies.
Ito ang isinawalatng Leone Moressa Foundation batay sa limang pinakamalaking komunidad, ang yearly income ng isang Moroccan ay katumbas sa produkto ng 6 na Moroccan sa sariling bansa, 6.1 naman ang mga Pilipino. Ito ang ilan sa mga resulta ng pagsusuri ng Leone Moressa Foundation ukol sa buwanang sahod ng mga manggagawang dayuhan sa last trimester ng 2011.
Sa Hilagang Italya ang mga dayuhan ay karaniwang kumikita ng higit kumpara sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa South: ito ay isang paghahambing, hal ng 1,113 € kada buwan ng isang imigrante na nagtatrabaho sa Friuli Venezia Giulia at 674€ naman ang isang dayuhan sa Calabria. Ngunit sa South ay malaki ang pag-kakaiba ng salary gap sa pagitan ng Italians at mga dayuhan: sa katunayan, kung sa ibang Rehiyon sa North ang pagkakaiba ay hindi lumalampas sa 300 euros, sa ilang Rehiyon sa South ang salary gap ay higit sa 500 euros, tulad sa Campania.
According to gender
Ang mga lalaking imigrante, bukod sa karaniwang mas mataas ang sahod kumpara sa mga kababaihan (1,122 euros vs 790 euros), ay nagpapakita ng bahagyang pagkakaiba lamang kumpara sa mga lalaking Italians: mas mababa ng 20,5% sa mga lalaki at mas mababa naman ng 30,5 % sa mga babae.
According to level of Instruction
Ang Educational attainment ay hindi nakaka-apekto sa sahod ng mga dayuhan. Sa katunayan, ang sahod na tinatanggap ng mababa ang pinag-aralan (di tapos ng Elementary at High School) ay halos walang ipinagkakaiba sa mga tapos ng Vocational course. Samantala, ang mga College graduates naman ay tumatanggap ng 1.139 kada buwan, ngunit habang tumataas ang level of instruction ay lalong lumalaki ang salary gap kumpara sa Italian na mayroong kaparehong kwalipikasyon.
Contract
Angmga mayroong permanenet contract ay kumikita ng halos 1,000 euros kada buwan, samantala ang mayroong mga pansamantalang kontrata ay tumatanggap ng 884 euros. Sa paghahambing sa mga Italians, gayunpaman, ay nagpapakita na ang mga pagkakaiba ay kapansin-pansin sa mga mayroong permanent contract kaysa sa ikalawa. Subalit, may malakingpagkakaiba sa Italians kung isaalang-alang ang kita ng isang dayuhang nagtatrabaho ng full time(-21.8%) o part time.
Sector
Ang mga imigrante sa sektor ng transportasyon ay sumasahod ng mas mataas, 1257€ kada buwan, na sinundan ng mga manufacturer, construction workers, edukasyon / health/ welfare at mga businessmen na ang sahod ay lumampas sa 1000 euro bawat buwan. Sumunod ang mga nagtatrabho sa hotel, ang mga pangunahing sektor, mga serbisyo sa tao (halos717 euros lamang). Ang mga ito ang nagpapakita ng mas mataas na salary gap kumpara sa mga Italians ng parekong sektor (-22,2%).
Age
Ang edad ay walang makabuluhang epekto sa sahod. Gayunpaman ang nagpapakita ng ugnayan sa kita at edad ay ang pagkakaiba sa Italyano na may parehong mga katangian: sa pagtaas ng edad, ay tumataas ang pagkakaiba kumpara sa mga kasamahang Italians: kung sa pagitan ng 15-24 edad ng imigrante ay tumatanggap ng 3,9% na mas mababang sahod, para sa mga over 55, ang gap ay halos 40%.
Origin
Ang mgaAfricansatEuropeanay angmga manggagawa natumanggap ngkaraniwang mataas na sahod sa Italya. € 1037at994 €. Ang mga non-EU nationals at Americans ay karaniwang tumatanggap ng mas mababang sahod.
Kung ihahambing (ayon sa5pinakamalaking nationalities) angsahodngisangimigrantenanagtatrabahosa Italyagamitangpercapitasa sarilangbansa, lumalabas na ang isang Pilipinosa Italyaay kumikita katumbas ng 6.1kababayan sa Pilipinas, ang 1 Moroccan ay 6naman ang katumbas sa sariling bansa, 1 Ucranian katumbas ang 4, 1 Albanian katumbas ang 4.7. Ang pagkakaiba ng sahod sa pagitan ng mga Italians at imigrante ay hindi nagmumula sa origin o pinagmulan ng mga ito, apermasyon ng Leone Moressa Foundation – ngunit dahil sa mga pinagsamang mga elemento ang nagdudulot ng mas mababang sahod: ang mga propesyon ng mga dayuhan, ang kanilang mababang kwalipikasyon, ang trabaho sa mga sektor na mababa ang production kung saan sila nagtatrabaho, ang batang edad ng manpower ay hindi nagpapahintulot upang maabot ang maturity ng sahod. Kailangan ding isaalang alang na ang trabaho ng mga dayuhan ay ang mahalagang kundisyon upang magkaroon at ma-renew ang kanilang mga permit to stay”.
'' Ito ang nagdadala sa mga manggagawang dayuhan upang tanggapin ang anumang uri ng trabaho, mababa man ito, hindi protektado, atsa ilang mga kaso, ay underpayed. Angproblemangagwat sapasahodaynagigingmas kapansin pansin lalo na sa panahon ng krisis, dahil ang mga dayuhan ay walang alternatibong mapagkukunan ng kita o ng suportamula samgapamilya–pagtatapos pa nito–Lahatng ito ay nagiging hadlang upang bumagal ang proseso ng panlipunanat pang-ekonomiyangintegrasyon ngmgadayuhanna nagtatrabahoatnaninirahan saating bansa. "