“Makabuluhangprogreso sa kabila ng krisis sa proseso ng integrasyon sa usaping pang-ekonomikal at pinansiyal”
Rome – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga imigrante na kasalukuyang mayroong bank account. Sa taong 2010, kabilang ang mga data mula sa BancoPosta, ang antas ng bankarization ay higit sa 70% ng mga imigrante na naninirahan sa Italya. Sa pagitan ng taong 2007 at 2009, sa kabila ng pang-ekonomiyang krisis, ang proseso ng integrasyon sa usaping pang-ekonomikal at pinansiyal ay nagpapatuloy at mabilisang pagbabago ayon sa nasyonalidad at lugar ng paninirahan.
Ang mga datos ay mula sa ikatlong edisyon ng pananaliksik sa evolution ng proseso ng bankarization ng mga banyagang mamamayan sa Italya, na ginawa ng Italian Banking Association (ABI o Associazione bancaria italiana) kasama ang Centre for International Political Studies o (CeSPI o Centro Studi di Politica Internazionale).
Ang survey, (kasalukuyang ipinapalabas), ay batay sa isang sample ng halos 90% ng mga dayuhan ng 21 nasyonalidad na residente sa Italya.
Ang mgatemang ukol dito ay tatalakayin sa isang conference”Immigrants and Financial Inclusion: facts and perspectives for a change” na gaganapin sa Roma sa tanggapan ng ABI sa Hunyo 14.