in

Abiso mula sa Ministry of Interior sa mga buildings, modus operandi!  

Nagbigay babala ang awtoridad ukol sa kumakalat na abiso na nasa letterhead ng Ministero dell’Intero at may logo pa ng Italian Republic. Ang abiso ay nakapaskel sa maraming mga appartment buildings sa Roma, Parma, Puglia, Taranto at iba pang parte ng Italya.

Mistulang isang tunay na mensahe mula sa Ministero dell’Interno ngunit kahina-hinala pagkatapos itong mabasa. 

“Via i non residenti, facciano ritorno al loro indirizzo. Le autorità svolgeranno controlli”. 

Inaanyayahan ang sinumang hindi residente ng gusaling ito na lisanin ang lugar na ito at bumalik sa kanilang tahanan. Magsasagawa ng kontrol ang mga awtoridad”. 

Malinaw na ito ay hindi galing sa Ministry of Interior, paglilinaw ng awtoridad.

Huwad na abiso upang linlangin ang mga mamamayan, partikular ang mga matatanda”, ayon sa babala ng Polizia di Stato sa social media matapos ikinalat mismo ang kopya ng abiso ng mga mamamayan sa internet bilang pagbibigay babala sa mga posibleng akyat bahay gang. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang bagong batas laban sa ‘lavoro nero’, pinirmahan ni Minister of Labor

Mga dapat malaman tungkol sa Bonus Revisione Auto 2023