in

Abruzzo, Friuli Venezia Giulia, Piemonte at Sicilia, sa zona arancione

Batay sa weekly monitoring ng pagkalat ng Covid19 sa bansa, pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa na naglilipat sa ilang rehiyon sa mas mataas na risk o panganib simula January 24, 2022, sanhi ng Omicron variant. Ito ay batay sa mga datos mula sa ISS o Istituto Superiore di Sanità.

Ang mga rehiyon ng Abruzzo, Friuli Venezia Giulia, Piemonte at Sicilia, mula zona gialla ay magiging zona arancione o high risk zone. Samantala, ang mga rehiyon ng Puglia at Sardegna, mula bianca ay magiging zona gialla o moderate risk zone. Mananatili naman sa zona bianca o low risk zone ang mga rehiyon ng Umbria, Molise at Basilicata

Zona Bianca o low risk zone

  • Basilicata
  • Molise
  • Umbria

Zona Gialla o moderate risk zone

  • Calabria
  • Campania
  • Emilia Romagna
  • Lazio
  • Liguria
  • Lombardia
  • Marche
  • Puglia
  • Sardegna
  • PA Bolzano
  • PA Trento
  • Toscana
  • Veneto 

Zona Arancione o high risk zone

  • Abruzzo
  • Friuli Venezia Giulia
  • Piemonte
  • Sicilia
  • Valle d’Aosta

Sa kasalukuyan ay walang anumang rehiyon sa zona rossa o very high risk zone.

Gayunpaman, ipinapaalala na walang anumang pagbabago sa restriksyon ang zona bianca at zona gialla kundi tanging ang pamantayang bilang lamang ng mga kaso ng Covid19. Dahil ang pagsusuot ng mask sa outdoor ay mandatory na din kahit sa zona bianca. 

Samantala, sa zona arancione ang sinumang mayroong Super Green pass ay maaaring gawin ang lahat ng mga ginagawa sa zona bianca at gialla. 

Mula zona bianca sa zona gialla 

Ang pangunahing dahilan sa paglipat ng isang rehiyon mula sa zona bianca sa zona gialla ay ang dami ng bilang ng kaso ng Covid19: kung ang bilang ng mga infected ay mas mataas sa 50 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa10% at sa medical area ay mas mataas sa 15%.

Mula zona gialla sa zona arancione

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 100 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 20% at sa medical area ay mas mataas sa 30%. 

Mula zona arancione sa zona rossa

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 150 cases bawat 100,000 residente. At ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 30% at mas mataas ng 40% sa medical area. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Omicron variant, posibleng hudyat ng pagtatapos ng pandemya sa Europa

Bagong regulasyon sa paglalakbay sa Europa, sapat na ang Green pass