Pinirmahan na ng Presidente ng Rehiyon ng Abruzzo, Marco Marsilio ang ordinansa at hindi na hinintay pa ang resulta ng weekly report ng Istituto Sueriore di Sanità.
Mula ngayong araw, November 18, ang Abruzzo mula zona arancione ay zona rossa na. Ito ay nangangahulugan na nasa ilalim na ng lockdown kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng bahay, at maging ang paglabas sa sariling Comune sa anumang oras, maliban na lamang sa dahilan ng trabaho, kalusugan, emerhensya at matinding pangangailangan. Ang ordinansa ay ipatutupad simula Nov 18 hanggang Dec 3 at ito ay pinirmahan kahapon ng presidente ng rehiyon at hindi na nakuhang hintayin pa ang weekly report ng Istituto Superiore di Sanità at kahit ang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza batay sa 21 parameters na nagtatalaga sa mga Rehiyon.
“Ninais naming unahan na ng desisyon ang Ministro dahil hawak na naming ang mga datos sa linggong ito at hindi na naming mahihintay pa na lumala ang sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay proteksyon sa kalusugan at hindi isang laro na maaaring ipagpaliban”, ayon kay Marsilio.
Basahin din:
- Zona rossa at zona Arancione, nadagdagan ulit!
- Abruzzo, Basilicata, Liguria, Toscana at Umbria, zona Arancione
- Anu-anong mga Rehiyon ang kabilang sa zona Rossa, Arancione at Gialla?