“Amin pong ipagpapatuloy ang pangakong serbisyo at impormasyon, ang pagsasalaysay ng ating mga kwento bilang overseas filipinos at kami ay inyong kasamang magwawagayway ng ating bandila sa bawat tagumpay ”.
Sa ika-anim na taon ay muling paparangalan ng Commission on Filipino Overseas (CFO) ang mahalagang papel ng media sa migrasyon, partikular ang pagtalakay sa mga pangunanhing tema, hamon, pagbabago lalong higit ang promosyon ng magandang imahen ng mga PIlipino sa ibayong dagat.
Sa sampung paparangalan ngayong taon na media entries mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay dalawang awards ang nakuha ng Ako ay Pilipino sa Italya, ang Best Newspaper at Best Website on Migration.
“Lubos po ang aking pasasalamat sa inyong pagpaparangal sa aming serbisyo sa komunidad ng halos labinlimang taon. Mula po sa My Own Media, ang aming publisher at sa lahat ng bumubuo ng Ako ay Pilipino, salamat po sa inyong pagtitiwala at suporta”, ayon kay Pia Gonzalez-Abucay, ang editor ng pahayagan at ng website ng walong taon na.
“Amin pong ipagpapatuloy ang pangakong serbisyo at impormasyon, ang pagsasalaysay ng ating mga kwento bilang overseas filipinos at kami ay inyong kasamang magwawagayway ng ating bandila sa bawat tagumpay. Kami po ay inyong kaagapay! ”, pagpapatuloy pa ni Pia Gonzalez-Abucay.
Gaganapin ang awarding sa PICC Pasay City, kasabay ng pagdiriwang ng International Migrants Day sa Disyembre.
source: CFO