Mas pinalakas na Council ng Alamanno-bis, tumanggap ng pagbati mula sa Pope!
Matapos ang limang araw ng konsultasyon ni Mayor Alemanno sa lokal at nasyonal na leaders ng PDL, ay handa ng muli ang council ng Alemanno-bis.
Tulad ng mga nabanggit ilang araw na ang nakalipas, hindi nag-iisang pumunta kaninang umaga sa Santo Padre ang kasalukuyang Mayor ng Roma, Gianni Alemanno sa taunang Papal Visit ng mga local administrator.
‘Sa inyong bagong mga tagapamahala, pagkakaisa para sa ikabubuti ng komunidad’, mga binitawang salita ni Pope Benedict XVI bilang pagbati at bendisyon sa bangong council.
Sa Budget (Bilancio), ang napiling bagong Assessor na papalit kay Maurizio Leo, ay si Carmine Lamanda, dating manager ng Banca d’Italia. Samantala, iiwanan naman ni Umberto Croppi ang Culture (Cultura), at ang bagong hihirangin ay si Dino Gasparini, kasalukuyan ay responsible sa Inner city (centro storico).
Kasama sa mga mag iiwan ng kanilang kasalukuyang responsabilidad ay sina: Fabio de Lillo, mapupunta kay Assessor Marco Visconti ang Environment (Ambiente); Sergio Marchi kay Antonello Aurigemma para sa Transportation (Trasporti) at si Laura Marsilio ay ipapasa sa kasalukuyang presidente ng asosasyon ng Acli Roma kay Gianluigi De Palo, ang School/Education (Scuola) at kanyang hahawakan pati na rin ang Family (Famiglia).
Ang ibang hindi mga nabanggit ay mananatili sa kanilang posisyon tulad nina Sveva Belviso sa Social affairs (Sociale), Marco Cosini sa Urbanism (Urbanistica), Fabrizio Ghera sa Public works (Lavori Pubblici), Davide Bordoni sa Commercial sector (Commercio), Alfredo Antoniozzi sa Housing and Assets (Casa e Patrimonio), Mauro Catrufo ang Vice Mayor na magpapatuloy sa Tourism (Turismo) at Enrico Cavallari sa Personnel (Personale).