Ikapitong pagkabigo sa korte ng panunungkulan ni alkalde Adriano Paroli matapos tanggihan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga imigrante. “Gusto kong labanan ang pagbaba ng nativity rate”.
Rome – Enero 11, 2013 – Ang alkalde ng Brescia, si Adriano Paroli ay nahuhumaling na pagbayarin ang kanyang mga kababayan sa nasasakupan.
Isang mahabang istorya. Taong 2008, sa ilalim ng pamumuno ng Pdl-Lega Nord, nang ipatupad ang bonus bebè o ang pagbibigay ng 1000 euros sa bawat sanggol na ipapanganak o aampunin ng mga pamilya na mayroong mababang kita, sa kundisyong ang isa sa dalawang magulang ay Italyano. “Sa pag-aalalang ma-descriminate ang mga dayuhan, ay nanganganib na makalimutan ang ating mga kababayan”, paliwanag ng alkalde noong taong iyon, at inamin ibigay ang nasabing benepisyo sa mga Brescians lamang.
Ang desisyong ito, gayunpaman, ay isang deskriminasyon, tulad ng nabanggit noong Enero 2009 ng hukom ng Brescia. Ang hukom ay tinanggap ang anti-discriminatory action ng Associazione Studi Giuridici sull’Immigrazione at ng 4 na magulang na pawang mga dayuhan, at ipinag-utos na tanggalin ang requirements ng citizenship sa deliberation na pirmado ng alkalde.
Sumunod at nag-paumanhin ba ang alkalde? Sa pamamagitan ng isang tila paghihiganti, sa isang deliberation ay kinansela ang nauna at tinanggal ng tuluyan ang benepisyo ng bonus bebè, upang hindi makatanggap ang mga imigrante ay tinanggal din ito maging sa mga magulang na italyano.
Sinimulan ang legal actions at matapos ang laban, si Paroli ay natalo ng anim na beses. At kahapon ay dumating ang ikapito: ang seksyon ng Lavoro del tribunale di Brescia ay idineklara ang deskriminasyong hated ng ginawang deliberation na nagtatanggal ng bonus bebè at ipinag-utos sa munisipalidad ang bayaran bilang danyos ng 15,000 euros sa Asgi at 3,000 euros sa bawat magulang. At ang karagdagang 8,500 euros, vat inclusive, ang legal expenses. Ang kabuuan ay halos 40,000 euros mula sa bulsa ng mga Brescians.
Si Paroli, gayunpaman, ay naniniwala pa rin ng pagiging tama habang nakataya ang ‘bulsa’ ng kanyang mga kababayan: “Bukod sa mga mahahalagang serbisyo na sa ang ating lungsod ay ipinagkakaloob sa lahat, sa napakarami ring mga aksyon para sa mga mamamayang dayuhan lamang, at naniniwala ako sa kahit isa lamang na aksyon para sa aking mga kababayang italyano na Brescians lamang, partikular ang ukol sa pagbagsak ng nativity rate”, pagpupumilit pa ng alkalde.