Isang magandang mensahe, puno ng kulay at pag-asa. Andrà tutto bene o Magiging ayos din ang lahat.
Ito ay inisyatiba na nagsimula sa mga pamilya na kasalukuyang nasa kani-kanilang tahanan kasama ang mga anak. Panahon ng bonding, ika nga.
Ito ay makikitang kumakalat ngayon online. Bukod sa mensaheng puno ng pag-asa na sinulat ng mga bata ay makikita rin ang isang makulay na rainbow.
Maaring gawa sa isang telang puti at isinabit sa mga terrace. Maaari ring gawa lamang sa isang papel.
Ang simpleng paraan na ito ay maaring magbigay pag-asa sa mga taong nanghihina na at nawawalan ng pag-asa sa panahong tulad nito. Makibahagi! (PGA)