Labinwalong mga ministers sa pamumuno ni Paolo Gentiloni.
Roma – Opisyal na nanumpa si Italian Prime Minister Paolo Gentiloni at naganap ang makasaysayang turn over ng maliit na silver ceremonial bell mula kay Renzi lunes ng gabi.
Matapos ang isang oras na pakikipag-usap kay Sergio Matarella, ang Presidente ng Republika, sa Quirinale ay opisyal rin na itinalaga ang mga bagong minitsro ng ika-64 na gobyerno ng Republika ng Italya. Binubuo ng 18 ministers, bukod sa prime minister, ang bagong gobyerno kung saan ang 12 ay bahagi na ng gobyerno ni Renzi.
Matatandaang inatasang bumuo ng bagong centre-left government si Paolo Gentiloni, 62 anyos ni Sergio Matarella, ang Presidente ng Republika matapos bumaba sa posisyon si Matteo Renzi sanhi ng mapait na pagkatalo sa ginanap na referendum kamakailan.
Ang mabilis na pagbuo ng bagong gobyerno ay upang siguraduhin sa Europa ang pagwawakas sa political crisis ng bansa at ang simula ng muling pagbangon at pagkakaroon ng political stability ng Italya na itiuturing na ikatlo sa pinakamalaking ekonomiya ng eurozone.
Ang bagong gobyerno ang magtatakda sa pinaka angkop na electoral process sa nakatakdang eleksyon sa February 2018, na inaasahang mas maaga magaganap sa papasok na taon.
Mayroong mga bagong mukha sa mga bagong hirang na opisyales at mayroon ding mga kinumprima at nanatili buhat nakaraang gobyerno.
Narito ang mga pangunahing miyembro ng gabinete:
Angelino Alfano, Foreign minister
Pier Carlo Padoan, Finance minister
Marco Minniti, Interior minister
Andrea Orlando, Justice minister
Roberta Pinotti, Defence minister
Claudio Calenda – Economic development minister
Maurizio Martina –Agricultural, Food and Forestry Policies minister
Gianluca Galletti – Environment minister
Graziano Delrio – Infrastructure minister
Giuliano Poletti – Labor minister
Valeria Fedeli, Education minister (pinalitan si Stefania Giannini)
Dario Franceschini – Culture minister
Beatrice Lorenzin – Health minister
Maria Elena Boschi, undersecretary to the PM