in

Ang kulay ng mga Rehiyon simula March 30

ako-ay-pilipino

Narito ang bagong kulay ng mga Rehiyon ng Italya batay sa huling weekly monitor ng Ministry of Health at Istituto Superiore di Sanità. Ito ay magsisimula sa Martes, March 30 batay sa huling ordinansa na magtatapos sa hatinggabi ng March 29, Lunes.

Ang Lazio ay ang tanging rehiyon mula zona rossa na magiging zona arancione. Ang Valle d’Aosta, Calabria at Toscana (tanging rehiyon na sasailalim sa zona rossa simula March 29) naman mula zona arancione ay magiging zona rossa. Kumpirmado ang Lombardia at Veneto na mananatili zona rossa. Ang Campania sa kabila ng nagtala sa unang linggo ng mga datos ng zona arancione ay mananatili sa zona rossa. 

Ang mga rehiyon sa zona arancione ay ang mga sumusunod:

  • Lazio, 
  • Liguria, 
  • Umbria, 
  • Molise, 
  • Sardegna, 
  • Abruzzo, 
  • Basilicata, 
  • Sicilia,
  • PA di Bolzano. 

Ang mga rehiyon sa zona rossa ay ang mga sumusunod: 

  • Calabria,
  • Lombardia, 
  • Toscana,
  • Piemonte, 
  • Friuli-Venezia Giulia, 
  • Puglia,
  • Emilia-Romagna, 
  • Marche, 
  • Campania, 
  • PAdi Trento,
  • Valle d’Aosta,
  • Veneto

Ayon sa ISS, ay bahagyang bumaba ang Rt sa bansa mula 1,16 sa 1,08 at ang incidence ng Covid19 cases ay bumaba sa 240 cases sa bawat 100,000 residente. Noong nakaraang lingo ay 264.00. 

Ang weekly monitoring ng ISS at Ministry of Health kada 7 araw ay ang tumutukoy sa lebel ng peligro sa bansa at sa bawat rehiyon. 

Paalala: Sa mga araw ng April 3 (Holy Saturday) , 4 (Easter Sunday) and 5 (Easter Monday), ang buong Italya ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona rossa batay sa huling decreto legge.

Basahin din:

Lazio, zona arancione simula sa Martes, March 30

Sa Lazio ay muling magbabalik eskwela simula sa Martes, March 30, mula asilo nido hanggang scuola media. Magbubukas na din ang mga commercial activities at mga hairdressers at beauty salon. 

Martes, dahil ito ay batay sa huling ordinansa na magtatapos sa hatinggabi ng March 29, lunes. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online consultation ng Migreat, mas pinadali sa murang halaga

Ako Ay Pilipino

Mga pagbabago sa mga restriksyon, inanunsyo ni Premier Draghi