in

Ang schedule ng bakuna laban Covid19 batay sa edad

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Hindi pa posible ang humingi ng schedule para mabakunahan laban Covid19. Sa kasalukuyan, ang naka-schedule lamang na babakunahan ay ang mga health care workers at staff. Kasama din  ang mga naka-confine sa RSA o Residenze Sanitarie Assistenziali. 

Bawat isa sa mga nabanggit na kategorya ay kailangang sagutan ang isang form upang kumpirmahin ang pagbabakuna.

Tinatayang aabot sa 1.404,037 ang mga duktor at nurses; 570,287 naman ang mga staff at naka-confine sa mga RSA. 

Pagkatapos, narito ang schedule ng bakuna batay sa edad sa Italya.

Over 80s 

Pagkatapos ng kategoryang nabanggit ay babakunahan naman ang humigit kumulang na 4.4 milyong mga over 80s.

Ayon kay Emergency Commissioner Domenico Arcuri, aabot sa 6M katao ang mga mababakunahan hanggang katapusan ng Marso sa Italya. Inaasahang sisimulan ang pagbabakuna sa mga matatanda sa Pebrero 2021. Magkakaroon ng malaking bahagi ang mga medici di base. 

Sa Lazio, ayon sa Assessore alla Salute, “Ang sinumang nasa-ospital, nasa RSA o nasa ilalim ng assistenza domiciliare, ay babakunahan”. Samantala, ang ibang mga over-80s ay kailangang makipag-ugnayan sa kanilang mga medici di base. Ang bakuna ay maaaring gawin sa kanilang mga ‘studio’. Ito ay dahil sa kilala ng mga medici di base ang kani-kanilang mga pasyente, tulad ng pagkakaroon ng allegry at iba pa. Ang Uscar naman (unità mobili) ay para sa home vaccination ng mga non-autonomous na matatanda. Magkakaroon din ng numero verde para sa mga katanungan at impormasyon.

Edad 60 -79 anyos 

Ayon sa plano, sa unang trimester, ay magkakaroon ng 10M dosis mula sa Pfizer-BioNtech at Moderna. Bagaman hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kasiguraduhan kung kailan dadating ang mga dosis na binili na ng EU. 

Gayunpaman, ayon sa plano, sa pagitan ng Marso at Abril 2021 ay babakunahan ang mga may edad sa pagitan ng 60 hanggang 79 anyos. Tinatayang aabot sa 13.4M katao, at ang mga nasa high risk factor na tinatayang aabot sa 7.4M.  

Under 60s 

Ang sinumang nasa kategorya ng under 60s ay kailangang maghintay. Marahil sa pagitan ng mga buwang Setyembre at Oktubre

Partikular, mayroong 40M dosis na inaasahan ang Italya mula sa AstraZeneca. Sa pag-asang bibigyan ng awtorisasyon ng EMA sa susunod na 3 linggo. Ang AstraZeneca, gayunpaman, ay marahil bigyan ng awtorisasyon para sa mga under 55 dahil batay sa mga ebidensya nito, ito ay epektibo ng 62% lamang. Kung tama ang kalkulasyon, sa pagkakataong ito ay magiging bahagi din ng pagbabakuna ang mga farmacie para sa mass vaccination.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring bakuna ang may awtorisasyon para sa mga under 16. 

Samakatwid, sa ngayon, tinatayang aabot sa 50M ang mga mababakunahan. At sa bilang na ito ay ibabawas ang bilang ng mga ayaw magpabakuna. 

Inaasahan ang pagtatapos ng mass vaccination sa pagitan ng mga buwan ng Oktubre at Nobyember 2021

Gayunpaman, ang mga nabanggit ay ang nais at ang plano na pagbabakuna sa bansa. Upang ang lahat ng ito ay maisakatuparan, inaasahan ang availability na mga dosis na nakalaan para sa bansang Italya. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pagkamatay Pilipina sa Perugia

Fund raising para kay Michela, inilunsad online

Pinoy biktima ng panlilinlang Ako Ay Pilipino

Pinoy, biktima ng panlilinlang sa Verona