in

Ano ang bagong DVB-T2? Anu-anong mga channel ang hindi na mapapanood simula October 20, 2021 sa Italya?

Ang Digital TV ay papalitan ng bagong Digital Terrestrial DVB-T2. Ang first phase ng pagpapalit ay nagsimula ngayong araw October 20 sa pagkakaroon ng HD. Ito ay nangangahulugan na ang ilang mga channels ay hindi na mapapanood kung ang telebisyon ay hindi compatible sa HD. Gayunpaman, ang ilang channels ay magpapatuloy pa rin sa low definition. Ngunit simula ngayon hanggang sa susunod na taon ay magaganap ang second phase ng pagpapalit. 

Ano ang mangyayari simula October 20? 

Una sa lahat ay kailangang linawin na hindi pa magsisimula ang bagong digital terrestrial DVB-T2 ngayong araw October 20. Bagkus ay magsisimula ngayong araw ang paglipat ng ilang channel sa HD o High Definition. Sa kasalukuyan ang pagbabagong ito ay hindi obligatory kung kaya’t maaaring pumili kung anong mga channels ang ililipat sa HD at kung anong mga channels ang magpapatuloy sa low definition. 

Sa paglipat sa HD, ang mga mayroong lumang telebisyon at decoder na may sampung taon na, ay hindi na mapapanood ang ilang mga channels. Dalawa ang posibleng solusyon: 

  1. Bumili ng latest decoder o ang mag-aplay ng bonus decoder; 
  2. Magpalit ng telebisyon o mag-aplay ng bonus rottamazione tv

Basahin din: Bonus TV 2021, paano at sino ang maaaring mag-aplay?

Ito ay upang maging handa sa second phase kung saan magaganap ang tuluyang pagpapalit  na inaasahan sa 2022. 

Anu-anong mga TV channels ang hindi na mapapanood simula Oct. 20 sa paglipat sa HD?

Simula October 20, 2021 ang ilang mga grupo ay nagpasya na mag-transmit ng ilan sa kanilang mga channels sa HD lamang, halimbawa Rai at Mediaset.

Simula Oct. 20, 2021, patuloy na mapapanod ang Rai 1, Rai 2, Rai 3, Rainews 24 o Canale 5, Rete 4 at Italia 1. 

Samantala, hindi na mapapannod simula Oct 20 ang mga sumusunod na channels kung walang HD: 

  • Rai – Rai 4, Rai 5, Rai Movie, Rai Yoyo, Rai Sport, Rai Storia, Rai Gulp, Rai Premium at Rai school
  • Mediaset – TgCom24, Italy 2, Boing Plus
  • Radio – Radio 105, R101 Tv, Virgin Radio Tv

Bagong Digital Terrestrial DVB-T2

Ang ikalawang hakbang ng paglipat ay magsisimula sa Nov 15, 2021, kung kailan ang bagong DVB-T2 digital terrestrial digital system ay magiging aktibo sa Sardegna, at pansamatalang kasama ang lumang sistema sa transmission. Pagkatapos, ang ibang mga rehiyon ng Italya ay unti-unti na ring lilipat sa bagong DVB-T2 digital terrestrial digital system. Sa panahong ito, upang patuloy na mapanood ang mga channels, ay kailangang i-reset ang TV.

Sa taong 2023 ay magaganap ang switch off. Ang lumang digital terrestrial ay mawawalan na ng signal upang simula January 1, 2023 sa buong Italya ay makakapanood lamang ng telebisyon sa pamamagitan ng decoder o ng telebisyon na compatible sa standard ng DVB. T2. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Covid19, tumataas muli ang contagion curve sa Europa

Pagse–save at Pagi-invest, paano uumpisahan?