Ang huling DPCM ay may bisa hanggang Dec. 3. Samakatwid, simula Dec 4 ay may panibagong ipatutupad, kung saan inaasahang nasasaad ang mga alituntunin na dapat sundin ng lahat mula sa chirstmas shopping hanggang selebrasyon ng Pasko at Bagong taon.
Habang ang Punong Ministro, Giuseppe Conte at ang Ministro ng Kalusugan, Roberto Speranza, ay nagsusumikap para sa isang diplomatikong pananalita upang matanggap ng mga Italians ang mga anti-covid19 measures sa pagsapit ng kapaskuhan, ay tila kabaligtaran naman si Undersecretary of Health, Sandra Zampa. “Magiging mas mahigpit upang hindi na maulit ang nangyari last summer”, babala nito.
Sa katunayan, ang mga pinakahuling balita ukol sa lalabas na DPCM ay nagpapahiwatig ng isang mahigpit na kapaskuhan.
Narito ang mga inaasahan sa pagdiriwang ng Christmas holidays sa bagong DPCM
Shopping
Inaasahan ang pagbubukas ng mga negosyo hanggang 10pm upang mabigyan ng pagkakaton ang marami na makapag-shopping at maiwasang mapuno ang mga ito. Inaasahan din ang pagbubukas ng mga centri commerciali o malls tuwing weekend.
Bar at restaurants
Mananatiling sarado sa zona rossa ang mga bar at restaurants. Inaasahan naman ang pagbubukas hanggang lunch time sa zona arancione. Samantala, inaasahan ang pagbubukas ng mga bar at restaurants hanggang gabi hanggang bago magpasko sa zona gialla. Sa katunayan, sarado sa araw ng pasko.
Didattica a distanza
Inaasahan ang pananatili sa online class ng mga Scuola Superiore at Unibersidad hanggang Jan 7, 2021.
Pagbibiyahe
Isa sa pinakahihintay ay ang alituntunin ukol sa pagbibiyahe sa mga Rehiyon partikular sa pagsapit ng Pasko at Bagong taon. Inaasahan ang pagbibigay pahintulot dito ngunit batay sa datos ng bawat lugar. Sa pagkakataong ito ay iniiwasan ang mga nangyaring naganap noong nakaraang summer kung saan nagkaroon ng maluwag na pagbibiyahe sa mga Rehiyon na naging sanhi ng pagkalat ng virus. Gayunpaman, inaasahan ang pagbibigay ng mga limitasyon sakaling pahintulutan.
“Iba ang magiging pagdiriwang ng Pasko ngayong taon. Posible ang pagbibigay pahintulot sa mga rehiyon ng zona gialla lamang. Sa ngayon, isang bagay pa lamang ang sigurado: Iwasan ang mga pagbibyahe na hindi mahalaga”, ayon kay Health Minister.
Midnight mass, Christmas Eve, Christmas, New Year’s Eve
Inaasahan ang pahintulot para sa midnight mass ngunit mahaba umano ang listahan ng mga dapat sundin.
“Hindi pa panahon ng pagsasaya dahil ang virus ay nasa sirkulasyon pa hanggang sa mga susunod na buwan”, ayon sa Punong Ministro. Sa katunayan, para kay Conte, ang pagsalubong sa christmas holiday na walang karagdagang paghihigpit ay iresponsable. “Ang pagdiriwang ng pasko ay panahon ng mainit na conviviality at socialization. Kung pahihintulutan ang mga Rehiyon na gawin ang lahat ng ating kinagawian tuwing pasko, ang pagtaas muli ng kurba sa Enero ang sasalubong sa atin sa pagpasok ng 2021“.
Samakatwid, ito ay nangangahulugan ng pagluluwag lamang bago magpasko upang pahintulutan ang mga paghahanda at pagkatapos ay ang pagbibigay limitasyon at mga bagong restriksyon. (PGA)