Minabuti ng Task Force Covid19 Ofw Watch at Ako ay Pilipino na tanungin si Abogado Paul Sombilla kaugnay ng Decreto Legge “Stay at Home”. Narito ang kanyang pag-intindi sa kaukulang batas na pinirmihan ni Prime Minister Giuseppe Conte.
- Ano ang DL Stay at Home sa simpleng salita? Bakit kailangan itong sundin ng mga migrante?
Atty Paul: DPCM anti Corona Virus ay batas na nagsasabing dapat manatili sa kani-kanilang tahanan liban na lamang kung ang lalabas ay a. papasok sa trabaho; b. may pangangailan na importante tulad ng bibili ng pagkain; k. kailangan magpagamot; d. uuwi ng bahay galing sa 3 binagit sa unahan.
Dapat itog sundin dahil pinag-uutos ito ng Gobyerno.
2. Magkaiba ba ang DL Stay at Home sa Autocertificazione ?
Atty Paul: Ang DPCM ay isang batas, samantalang ang Autocertificazione ay isang bahagi ng implementasyon nito. Samaktwid ay magkaugnay.
Sa Italy, ang “autodichiarazione” na hinihingi ng mga awtoridad upang payagan ang paglabas ng bahay sa panahon ng pandemya ng covid19 ay maliwanag na binabanggit ang artikulo 650 codice penale italiano na paparusahan/pinaparusahan ang sinuman na lalabag sa batas na ipinapatupad, para sa ispesipikong layunin na masawata ang pagkalat ng corona virus ayon sa DPCM 10 Marso 2020.
3. Ano ang pagkakaiba ng DL Stay at Home sa mga paglabag na karaniwang nagagawa ng mga Pilipino?
Atty Paul: Malaki ang pagkakaiba ng simpleng multa (hal. kung mahuhuli ka sa loob ng bus ng walang tiket) sa Ammenda, dahil ang una ay isang “sanzione amministrativa” at ang pangalawa naman ay ang pagbabayad ng “pena pecuniaria” na pupunta sa fedina penale (casellario giudiziale penale) o isang criminal record, na pwedeng lumitaw sa data base ng mga awtoridad kung magpapanibago (renew) o aggiornamento ng permesso o carta soggiorno.
4. Ano ang maaring parusa sa magiging paglabag?
Atty Paul: Ang parusa ayon sa artikulo 650 codice penale ay con l’arresto fino a 3 mesi o con l’ammenda fino a 206 euro.
5. May posibleng implikasyon ba ito sa katatayuan (status) ng mga migrante kung sakaling mahuli sa paglabag?
Atty Paul: Kung magkakaroon ng verbale dahil sa paglabag sa DPCM kontra covid19, magmamarka na ito awtomatiko at mag-iiwan ng bakas sa kanyang rekord sa Questura. Kung gayon, malaki ang posibilidad na ang gagawin na renewal ng mga dokumento ay maapektuhan.
6. Dapat bang bayaran na kaagad ang ammenda pagkatapos multahan?
Atty Paul: Mas mabuti na pag-aralan muna ang mga paglabag (caso per caso) bago bayaran upang malaman kung possible itong labanan at magsagawa ng “procedimento di oblazione”.
7. Ano ang mangyayari kung isasagawa muna ang “procedimento di oblazione” bago bayaran ang multa ng paglabag?
Atty Paul: Ang pagbabayad ng ammenda sa ilalim ng “domanda di oblazione” ay hindi mag-iiwan ng mansta (criminal record) dahil isasarado nito ang krimen na nagawa, o sa italyano ang tawag ay “estingue il reato”. Sa ganitong paraan ay pwedeng maiwasan ang posibilidad at malaking problema kung magrerenew ng carta o permesso di soggiorno.
8. Ano pa ang mga bagay na importanteng malaman ng mga kababayan nating Pilipino?
Atty Paul: Importante din malaman na andiriyan din ang “riabilitazione penale”, para linisin ulit ang criminal record kung sakaling hindi pwedeng labanan ang verbale at kinakailangan ng bayaran ang ammenda.
9. Ano ang maipapayo mo sa mga Pilipinong di dokumentado?
Atty Paul: Makabubuti na huwag na munang lumabas ng bahay ang mga walang dokumento. Bagama’t alam natin na kailangan maghanapbuhay, magbibingit sa alanganin ang kanilang pananatili sa Italya kung sila ay mahuli.
Panayam kay Avvocato Paul Francis Sombilla – Avvocato del Foro di Torino (ni: Ibarra Banaag)