in

Anti-Covid pill ng Merch & Co, available na sa Italya

Available na sa Italya simula ngayong araw ang anti-Covid pill ng Merck & Co. Ito ay matapos bigyan ng awtorisasyon ng Agenzia Italiana del Farmaco (AIFA) ang antiviral molnupiravir at remdesivir noong nakaraang December 30, 2021. Ang dalawang gamot ay inaasahang lunas para sa mga pasyenteng hindi naospital at may katamtamang sintomas ng Covid na kasisimula pa lamang at may partikular na kondisyon na mapanganib kung magiging malala ang Covid.

Molnupiravir anti-covid pill

Ang molnupiravir anti-covid pill ay ang unang gamot laban sa Covid19. Ito ay binigyang awtorisasyon dahil sa emerhensya. Ito ay iinumin sa loob ng limang (5) araw sa simula ng sintomas. Hinahadlangan nito ang kakayahan ng virus na dumami. Sa katunayan, ito ay ginawa upang magpasok ng mga error sa genetic code ng virus, na pumipigil sa pagdami nito at binabawasan nito ang panganib na magdulot ng malubhang sakit. Ayon sa mga eksperto, inaasahan ang pagiging epektibo nito sa lahat ng mga variants ng Covid19.

Dapat inumin ang apat na tablets nito na 200 mg kada tableta dalawang beses sa isang araw, sa loob ng limang magkakasunod na araw. Sa website ng AIFA ay matatagpuan ang monitoring sheet para sa mga gagamit ng gamot na ito. Ayon sa mga clinical test, ang anti-covid pill ay may kakayahang mabawasan hanggang 50% ang panganib na ma-ospital dahil sa malubhang sakit.

Antiviral remdesivir

Sa kabilang banda inaprubahan ng European Medicines Agency (EMA) ang pagpapalawig sa paggamit antiviral remdesivir sa mga pasyenteng hindi sumasailalim sa oxygen therapy na nanganganib na lumala ang kalagayan dahil sa Covid-19. 

Maaaring gamitin ang antiviral remdesivir hanggang sa ika-7 araw mula sa paglabas ng mga sintomas. Ang panahon ng paggamot ay 3 araw, at ito ay sa pamamagitan ng intravenous tulad ng dextrose. Ito ay hindi inirerekomenda sa mga buntis at dapat itigil ang pagpapasuso sa panahon ng gamutan hanggang 4 na araw pagkatapos. Ang mga pinakakaraniwang side effects na naitala sa panahon ng gamutan at sa 14 na araw matapos ay banayad o katamtaman ang pagtatae, pagsusuka, pagkahilo at sakit ng ulo.

Sa katunayan, sinimulan ngayon araw ang pagbibigay ng gamot na antiviral Molnupiravir sa National Institute for Infectious Diseases Lazzaro Spallanzani sa Roma, ayon kay Lazio region Health Assessor Alessio D’Amato. Aniya, ang unang dalawang pasyente ay isang babae na 91 anyos na may sakit sa puso at diabetes at isang 72 anyos na babae na may sakit sa puso at immunosuppressed. Parehong may bahagyang sintomas ng Covid19. 

(www.stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Super Green Pass, ang bagong regulasyon para sa taong 2022

Bagong Covid19 variant, natagpuan sa France