in

Anti-covid tablets, may go signal na mula sa Minsitry of Health ng Italya

Ang mga anti-covid tablets ng Merck at Pfizer ay malapit nang dumating sa Italy. May go signal na mula sa Ministry of Health. Ito ang inanunsyo ng press office ni Commissioner Figliuolo.

Ang Covid19 Emergency commission, na pinamunuan ni General Francesco Paolo Figliuolo, ay inatasan ng Ministry of Health upang magkaroon ng tig-50,000 antiviral medicines para sa molnupiravir at paxlovid, sa kabuuang 100,000 anti Covid tablets na ginawa ng Merck at Pfizer. 

Sa note na inilathala ng press office ng komisyoner, ay binigyang-diin na “magsisimula ang pagpirma sa kontrata at/o pagbili ng mga gamot, para sa availability ng mga ito sa publiko matapos itong mai-provide ng mga kumpanya”. 

Samantala, inihayag din ng European Medicines Agency (EMA) na simula Nobyembre 19, samakatuwid simula bukas, ay magbibigay tulong ang Italya sa mga Member States na gustong gamitin ang Pfizer tablet kontra Covid dahil sa emergency bago pa man lumabas ang awtorisasyon ng EMA.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Sicilia, mandatory na ulit ang mask sa outdoor

Super Green Pass at karagdagang paghihigpit para sa mga no vax, pinag-aaralan