in

Anti-covid19 preventive measures hanggang Oct 7, pinirmahan ni Conte

Inilathala na sa Official Gazette ang pinirmahang bagong DPCM o Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro, Giuseppe Conte na nagpapalawig ng mga anti-covid preventive measures na ipatutupad hanggang October 7. Ito ay ang extension ng pinirmahang dekreto noong nakaraang August 10 at ipinatupad hanggang September 7

Ang dekreto ay walang nilalamang karagdagang restriksyon tulad ng inaasahan ng madami dahil sa pagdami ng mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa. Bukod dito, ay binigyang diin din ni Conte na hindi na umano ulit magkakaroon pa ng lockdown sa bansa, sa kabila ng dumadaming kaso.

Gayunpaman, wala ring nasasaad na pagluluwag sa mga ipinatutupad na preventive measures. Halimbawa na dito ang pananatiling sarado ng mga stadium at disco houses at pagpapatuloy sa pagbabawal sa anumang uri ng ‘sayawan’, ito man sa loob ng disco houses o open-air disco simula noong nakaraang Agosto 16, 2020.

Nilalaman ng huling DPCM ang patuloy na paggamit ng mask sa mga saradong lugar o indoors, pati na rin sa outdoor kung saan ang social distance ay nagiging isang hamon para sa lahat at hindi ito maipatutupad. Ang mga bata, anim na taon pababa, pati na rin ang mga special children ay exempted sa obligadong paggamit ng mask. 

Obligado din ang pagsusuot ng mask sa loob ng mga public transportation na ang maximum capacity ay ginawang hanggang 80%.

Bukod dito, pinahihintulutan ng bagong Dpcm ang pagpasok sa Italya mula sa ibang bansa ng asawa, kasintahan o ka-relasyon na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pinahintulutang makapasok sa bansa dahil sa covid at dahil sa mga umiiral na paghihigpit. 

Dal prossimo lunedì è consentito l’ingresso nel territorio nazionale per raggiungere il domicilio, l’abitazione e la residenza di una persona, anche non convivente, con la quale vi sia una stabile relazione affettiva”.

Simula sa Lunes, ay pinahihintulutan ang pagpasok sa bansa at makarating sa bahay o residensya ng taong kahit hindi kapisan, ay nabibigkis ng matatag at maayos na relasyon bilang couple”. 

Nananatiling obligado ang swab test sa sinumang sa huling 14 na araw bago ang pagpasok sa Italya ay nagkaroon ng stop over o nanatili sa mga bansang Croatia, Greece, Malta at Spain na simulang ipatupad sa pamamagitan ng ordinansa ng Ministry of Health noong nakaraang August 12. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

covid19-italya

Positibo sa Covid19 sa Italya, dumadami. Back to School, kinatatakutan ng mga magulang

Covid19 saliva rapid test, resulta sa loob ng 3 minutos