Kinukwestyon ng Garante della concorrenza e dei consumatori o Antitrust ang bagong buwis sa mga money transfer agencies na ipinatutupad ng gobyerno sa inaprubahang decreto fiscale noong nakaraang Disyembre. Isang mataas na buwis o ang 1.5% ng kabuuang halaga na ipapadala sa mga non European countries mula Italya. Isang buwis na ipinataw ng Lega at M5S sa mga remittance centers na nabubuhay dahil sa mga dayuhan.
“Malinaw na isang diskriminasyon”, ayon sa Antitrust sa isang komunkasyon nito sa kasalukuyang gobyerno. Bakit hindi rin patawan nito ang mga bangko (italian at International) kahit ang Posta. Bakit apektado lamang ay ang mga money transfer agencies?
Ang buwis ay mayroong dalawang masamang epekto. 1) Ang mga money transfer agencies ay ipapataw ang buwis – isang bahagi o kabuuan nito – sa mga dayuhang magpapadala ng pera sa sariling bansa. 2) At mababawasan din nito ang ‘transparency’ sa pagpapadala ng pera”.
At ang kalabuan ng transparency na ito ay hindi gusto ng Antitrust dahil ang halaga sa pagpapadala ng pera ay nababatay na sa marami at pabago-bagong kundisyon kabilang ang komisyon at ang rate ng palitan”.
Dahil dito, ay hinihingi ng Antitrust sa gobyerno ang “angkop na susog sa batas na magtatanggal sa discriminatory effect ng buwis at ang maibalik ang tama at patas na kondisyon sa kumpetisyon ng mga ahensya”.