Simula November 15, 2021, ang LAHAT ng mga nakatala sa Anagrafe ay posibleng magkaroon nang walang bayad at walang pagod, ng digital certificate o certificati anagrafici digitali, na maaaring i-download sa website ng ANPR o Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente. Samakatwid ay hindi na kakailanganin ang magpunta ng Comune at ang magbayad ng € 16,00 na marca da bollo o stamp.
Narito kung anu-anong mga digital certificate ang makukuha online at kung paano magkakaroon ng mga ito
- certificato anagrafico di nascita
- certificato di cittadinanza di residenza
- stato di famiglia
- certificato di stato civile
- certificato anagrafico di matrimonio
- certificato di residenza in convivenza
- certificato anagrafico di unione civile
- certificato di stato libero
- certificato di contratto di convivenza
- certificato di cittadinanza
- certificato di esistenza in vita
- certificato di cittadinanza di Residenza AIRE
- Stato di famiglia AIRE
- Stato di famiglia con rapporti di parentela
Bukod dito, posible ring i-download ang higit sa isang sertipiko.
Paano magkakaroon ng mga digital certificate?
Para mai-download ang digital certificate ay kailangang mag-log in sa website ng ANPR sa www.anagrafenazionale.interno.it sa pamamagitan ng
- SPID o
- CIE o carta d’identità elettrica o
- CNS o carta nazionale dei servizi.
Maaari ring mag-request ng certificato para sa miyembro ng pamilya na kasama sa Stato di famiglia, sa pamamagitan ng pagpili sa “richiedi per la tua famiglia”.
Matapos mapili mula sa mga available certificates ang nais i-download, maaari ring piliin ang paraan ng pagtanggap nito:
- via email,
- sa pamamagitan ng koreo, sa address na nakarehistro sa anagrafe nazionale, o
- pdf.
Bago ito i-download ay ipinakikita din ang preview ng certificate upang ma-double check kung wasto ang mga datos.