in

Apat na medalya inuwi ng mga Pinoy sa Sci-Olimpiad sa Italya

altApat na kabataang Pilipino ang nag-uwi ng mga medalya at nagpatunay muli na ang mga Pilipino ay kayang makipagsabayan o higitan pa ang ibang mga bansa sa ginanap na International Earth Science Olympiad (IESO) sa Modena Italya noong nakaraang Setyembre.

“I feel really happy and proud because it is the first time that the Philippines got a gold medal and the first time that the Philippines got four medals out of four” ayon kay gold medalist Williard Joshua Jose mula sa Philippine Science High School.

Kabilang sa mga nagkamit ng parangal ay sina Christopher Jan Landicho, ang silver medalist mula sa Philippine Science High School–Bicol Region Campus, Charles Kevin Tiu, isa pang silver medalist mula sa Saint Jude Catholic School Manila at si John Allan Olesco, pinakabata at bronze medalist mula sa Aquinas University science-oriented high school in Legazpi City.

Kasama nilang nakipagsapalaran sa Modena Italya ay ang dalawang mentors: Prof. Miguel Cano mula sa Bicol University at si Dr. Marietta De Leon ng UP Diliman. Nakasama din bilang observer mula sa Philippine Science High School main campus si Dr. Helen Caintic.

Ito ang ikalimang taon ng kompetisyon ng IESO para sa mga kabataang may edad na 18 pababa sa larangan ng geosciences. Sila ay mga kabataang hinasa at may malalim na kaalaman sa geology, geophysics, meteorology, oceanography, terrestrial astronomy at environmental sciences.

“Earth Science Renaissance: Science, Environment and Art” ang tema kung saan 26 na bansa, 104 na mag-aaral at 9 na observers ang lumahok sa taong ito. Bawat bansa ay mayroong apat na contestants.

Ang Pilipinas ay aktibong lumalahok sa patimpalak mula 2007. Naging host country noong 2008 sa ginanap na IESO sa Legazpi City, Bicol Region.

Pasasalamat ang ipinaaabot ng delegasyon sa mga sumuporta sa kanila kabilang ang mining companies tulad ng Philex Mining at Rapu-Rapu Mining, Hope Christian High school, Geological Society of the Philippines, at sa Apo Central na tumulong sa kanila sa Italya.

Magiging patuloy ang mga paghahanda ng grupo sa gaganaping IESO sa Buenos Aires sa 2012.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sagot sa aplikasyon ng ricongiungimento familiare, sa loob lamang sa 90 araw sa Roma!

“Padre pops” ang ikatlong pari ng PIME na pinatay sa Mindanao.