Bukod sa Sicilia at Sardegna ay nadagdag ang dalawang rehiyon ng Italya na red code sa updated epidemiological map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC.
Ang mga rehiyon Italya ay nahahati sa tatlong kulay o code batay sa iniulat na dami ng mga kaso ng Covdi19 sa lugar.
Bukod sa Sicilia at Sardegna, kahit ang Marche at Toscana ay nasa red code na rin para sa Europa. ito ay nangangahulugan na mayroong naitalang mula 200 hanggang 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente.
Samantala, tatlong rehiyon na lamang ang nasa ilalim ng green code – ang mga rehiyon ng Puglia, Molise, Valle d’Aosta – at ang autonomous province ng Bolzano. Ang green code ay nangangahulugan na low risk at may naitalang mas mababa sa 75 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente.
Malaking bahagi ng bansa – ang mga rehiyong hindi nabanggit – ang nasa orange code, na nangangahulugan na may naitalang mula 75 hanggang 200 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente.
Dark red naman halos buong Spain, ang bahaging south ng France, ang North Ireland, ang ilang isla ng Greece tulad ng Creta. Ito ang kulay ng pinakamataas na risk na nangangahulugang na may naitlang higit 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente.
Ang updated map ng ECDC ay inilalathala upang nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe. (PGA)