in

Aplikasyon ng Assegno Nucleo Familiare per lavoro dipendente online na!

Ako Ay Pilipino

Simula April 1, 2019, ang proseso ng aplikasyon para sa Assegno per il Nucleo Familiare o ANF para sa lavoro dipendente (non lavoro domestico) ay magiging online na.

Ito ay ayon sa Circular n. 45 ng March 20, 2019 ng Inps, na gamit ang bagong form ANF/DIP SR 16 ay isusumite online at hindi na gamit ang form na papel na isinusumite sa employer.

Ito ay maaaring sa pamamagitan ng official website ng Inps gamit ang personal PIN o ang Sistema Pubblico di Identità Digitale (SPID) o Carta Nazionale dei Serivizi. Ang anglo na pahina gayunpaman, ay aktibo simula April 1, 2019.

Bukod sa nabanggit na paraan ay maaring lumapit sa mga Patronati at mga authorized intermediaries.

Ang pagbabago ay para sa mga lavoratori dipendenti privati para sa mga aplikasyon para sa July 1, 2019 hanggang June 30, 2020.

Ang bagong proseso ay obligadong gawin at ang kawalan nito o hindi pagsunod ng mga aplikante, ay magiging sanhi ng hindi pagtanggap ng benepisyo dahil hindi na ito mailalagay sa busta paga o pay envelope ng worker.

Bukod sa pagbabago ng proseso ng aplikasyon, ayon pa rin sa Circular, ang kalkulasyon ng benepisyo ay direktang Inps na rin ang gagawa.

Ito umano ay magpapahintulot sa mas tamang kalkulasyon at higit na privacy  ng mga aplikante.

Batay sa online application ng worker, family composition, kabuuang sahod kada taon, ay ipagbibigay alam ng Inps ang kabuuang halaga ng benepisyo  sa worker at employer at ang huling nabanggit ay ang nananatiling magbibigay ng benepisyo sa aplikante.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Wala ang pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV), ano ang dapat gawin?

Pre-registration sa mga Unibersidad sa Italya, nagsimula na!