Mula ngayong araw, April 16 hanggang Dec 31, 2019 ay simula ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Conversion ng mga permit to stay at para sa pagpasok ng mga Non-seasonal workers na pinahihintulutan ng Decreto Flussi 2019.
Para sa conversion ng mga permit to stay ay nakalaan ang bilang o quota na 9,850 at ganito ito nahahati:
Conversion sa lavoro subordinato mula
- permesso di soggiorno per lavoro stagionale – 4750;
- permesso per studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 3500;
- EC long term residence permit na inisyu ng ibang member State ng EU – 800.
Conversion sa lavoro autonomo mula
- permesso di studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 700 at
- mula EC long term residence permit na insyu ng ibang member State ng EU – 100.
Ang nakalaang bilang para sa non-seasonal at self-employment ay 3,000 at ganito ito nahahati:
- 500 para sa mga non-Europeans na residente sa ibang bansa na nakatapos ng formation courses sa sariling bansa (batay sa articolo 23 ng legislative decree 286/25 July 1998);
- 100 workers na mayroong italian origin, mula sa mga bansang Uruguay, Brazil, Venezuela, Argentina para sa non-seasonal at self-employment job
- 2,400 ang non-EU nationals na pinahihintulutan para sa self-employment (lavoro autonomo).
Ang mg aplikasyon ay isusumite online sa website ng Ministry of Interior: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/
Esklusibong gamit lamang ang SPID ID. Narito ang mga application form.