Tiyakin ang pagbibigay ng prayoridad sa mga aplikasyon ng mga Ukrainians na nagsumite ng aplikasyon para sa Regularization noong 2020, batay sa mga probisyon na napapaloob sa D.L. n. 34/2020 na isinabatas 77/2020 – Art. 103 “Emersione dei rapporti di lavoro”.
Ito ang rekomendasyon ng Ispettorato Nazionale del Lavoro na ipinadala noong March 8 sa pamamagitan ng isang Circular sa mga lokal na tanggapan nito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Ukrainians “na mapadali ang kanilang mobility at posibleng family reunification process para sa mga miyembro ng pamilya ng mga aplikante“.
Matatandaang kamakailan ay tinuligsa ng Assindatcolf ukol sa interpretasyon ng batas, na ang mga naghihintay ng issuance ng permesso di soggiorno ay hindi maaaring lumabas ng Italya at nanganganib na mapawalang-bisa ang aplikasyon. Isang hindi matatanggap na limitasyon dahil sa bagal ng pagsusuri sa mga aplikasyon na isinumite isang taon at kalahati na ang nakakaran, partikular para sa mga mamamayang nahaharap sa matinding humanitarian emergency sa kasalukuyan. (Assindatcolf)
Basahin din:
Paglilinaw ukol sa paglabas ng bansa, hiling ng mga colf na aplikante ng huling Regularization