Sinimulan na ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa pagpasok sa Italya ng 2,000 manggagawa sa nalalapit na Expo 2015, na magse-set up, magsasa-ayos at magtatanggal ng mga stands at pavilions. Narito ang pinakahuling instructions buhat sa Ministries of Interior at Labor.
Roma- Hulyo 24, 2014 – “Feeding the planet, energy for life”, ito ang tema sa nalalapit na Expo 2015 na gaganapin sa Milan, kung saan maraming dayuhang manggagawa ang kakailanganin upang mag-set up, magsa-ayos at magtanggal ng mga stands at pavilions ng mga bansang magtatanghal dito.
Sa pinakahuling ‘flussi’ ay pinahihintulutan ang pagpasok ng 2,000 mga mangagawa para sa Expo 2015. Para sa paghahanda ng mga stands, ang mga manggagawa ay maaaring pumasok sa bansang Italya hanggang March 31, 2015. Para naman sa pagtatanggal ng mga ito ay pinahihintulutan ang pagpasok mula Dec 2015 hanggang June 30, 2016.
Sa pagpasok at pananatili sa Italya ng mga workers ay inilathala ng Ministry of Interior, Labor at Foreign Affairs noong nakaraang Mayo ang isang gabay, na matatagpuan rin sa wikang ingles at pranses. Kamakailan naman ay inilabas ang mga detalye sa pag-proseso nito at sinimulan na rin ang pagpapadala ng mga aplikasyon.
Isang joint circular buhat sa Ministries of Interior at Labor ang nagpapaliwanag kung paano ang mga aplikasyon ay ipapadala online sa pamamagitan ng website ng Minsitry of Interior, o sa pamamagitan ng "Expo General Commissioner, o sa pamamagitan ng Commissioner of Participating Country section o non official participating Company Director”. Dalawang magkaibang procedures ang nakalaan.
Para sa hiring ng mga dayuhang manggagawa buhat sa italian companies o established company sa Italya (o assunzione di lavoratori stranieri da parte di aziende italiane o stabilite in Italia), ay gagamitin ang form EXPO-A.
Gagawin ng Questura ang kinakailangang pagsususri, ang Direzione Territoriale del Lavoro naman ang magtatalaga ng mga quota (ng hindi magbibigay ng kanilang opinyon) at samakatwid ang Embahada/Konsulado ang magbibigay ng entry visa. Sa pagdating ng worker ay pipirmahan ang contratto di soggiorno sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Pagkatapos ay ang comunicazione di assunzione, at ang pag-aaplay ng „special EXPO 2015 permit to work”.
Para naman sa mga workers hired by temporary employment agencies for foreign companies (o Distacco di lavoratori stranieri dipendenti da aziende straniere) ay kailangang gamitin ang form EXPO-D.
Gagawin ng Questura ang kinakailangang pagsusuri, ibibigay ng Embahada/Konsulado ang entry visa at sa pagdating sa Italya ng lavoratore distaccato ay kukunin sa Sportello Unico per l’Immigrazione ang form para sa paga-aplay ng EXPO 2015 permit to work. Walang pipirmahang contratto di soggiorno at hindi rin kinakailangan ang comunicazione obligatoria.
Ang mga foreign visitors? Para sa kanila ang aplikasyon para sa Expo 2015 ay dadaan sa Italian Consulate sa sariling bansa dahil kinakailangan ang entry visa sa pagpasok sa Italya bilang turista.