Simula noong June 1, ay may 13,000 aplikasyon ang natanggap ang mga Sportello Unici per Immigrazione para sa regularization ng mga colf at badante. Karagdagang 6,000 para sa mga nakahandang aplikasyon. At bukod sa mga nabanggit ay may 180 aplikasyon naman sa mga Questura para sa permesso di soggiorno tempraneo. Ito ay ayon sa ulat ng Ilsole24ore.
Ito ang bilang ng mga aplikasyon sa kasalukuyan, na ayon sa Viminale ay “bilang na patuloy ang pagdami” dahil ang pagsusumite ng aplikasyon ay nakatakda hanggang July 15.
Gayunpaman, ang bilang na nabanggit ay malayong-malayo pa sa tinatayang 220,000 – 176,000 aplikasyon ng Emersione at 44,000 naman para sa permesso di soggiorno temporaneo – na nabanggit sa technical report ng DL Rilancio at inaasahang magpapasok sa gobyerno ng humigit kumulang 94million. Ang kalkulasyon ay batay sa average number ng aplikasyon noong 2009 (295,130 aplikasyon) at noong 2012 (134,772 aplikasyon).