Simula April 26 ay unti-unti ang muling ‘pagbubukas’ at pagtatanggal ng restriksyon sa Italya. Gradwal ang muling pagbubukas ng mga restaurants, gym, theaters, beach resort at mga fairs. Ito ay matapos ianunsyo ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Mario Draghi sa isang press conference.
Nangangahulugan ito ng unti-unting pagbangon ng mga commercial activities na dahil sa covid19 ay higit isang taon na ring naghihikahos. Gradwal ang muling pagbubukas ng mga restaurants, gym, theaters, beach resort at mga fairs. Magsisimula sa April 26 at magtatapos ng buwan ng July. Pangunahing elemento rin ng muling pagsisimula ay ang ‘pass’. Ito ay magpapahintulot sa pagpunta sa ibang rehiyon, kahit nasa ibang kulay at magpapahintuot na magpunta din sa mga stadium, concert at ibang aktibidad. Lahat ng ito ay aabangan sa paglabas ng bagong decreto ng Consiglio dei Ministri, ngayong linggo.
Zona Gialla
Ang magbabalik na zona gialla ay hindi katulad ng nauna dahil ito ay magkakaroon ng maraming pagbabago, partikular ang pahintulot ng pagpunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla.
Bagaman kumpirmado ang pagbabalik ng zona gialla, sa kasalukuyan ay 10 rehiyon pa lamang ang kumpirmadong nagtataglay ng mga datos na pang-zona gialla.
Pagpunta sa ibang Rehiyon
Bibigyang pahintulot ang pagpunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla. May pahintulot na rin ang turismo. Ito ay nangangahulugan na hindi na kakailanganin ang Autocertificazione sa pagpunta sa ibang rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla. Samantala, ang mga rehiyon sa nasa zona arancione, mananatiling ang may pahintulot lamang ay ang dahilan ng kalusugan, trabaho, pangangailangan at pagbalik sa residence o domicilio.
Balik klase ang mga mag-aaral, pagtatapos ng DAD
Muling magbabalik klase ang lahat ng mga mag-aaral sa zona gialla at zona arancione. Samantala sa zona rossa (na sa kasalukuyan ay ang Puglia, Sardegna at Valle d’Aodta) ay magbabalik klase hanggang terza media lamang at mula 50% hanggang 75% naman sa ang Scuola Superiore.
Restaurant at Bar
Simula April 26 at sa buong buwan ng May ay magbabalik din ang dine-in sa mga restaurants at bar sa colazione, pranzo, Aperitivo at cena, para sa mga mayroong table sa open air o outdoor. Simula sa June ay muling makakapag-lunch sa loob ng bar sa kundisyong: maximum ng apat na katao lamang sa table, (higit na katao kung conviventi o kasama sa bahay). Mananatili par in ang for take out at home deliveries. Kumpirmado din ang curfew simula 10pm .
Cinema, theaters at museums
Ang mga cinema at theaters ay muling bubuksan sa April 26 na may distansya ng isang metro – harap at likod – sa pagitan ng mga manonood na kailangang magsuot ng mask. Excluded sa physical distancing ang mga magkakasama sa bahay.
Parehong mga patakaran para sa mga bibisita at papasok sa mga museo na naghahanda na rin sa muling pagbubukas. Gayunpaman, mananatili ang curfew sa 10pm.
Sports hall at Stadium
Matapos ang mahabang panahon ng pagsasara, inaasahang magbubukas na din mula May 1 sa publiko ang mga sports hall hanggang maximum na 500 katao. Higit sa isang libo katao naman sa mga stadium.
Gym at mga swimming pools
Ang petsa ng pagbubukas ng mga outdoor pools ay nakatakda sa May 15. Samantala kailangang masigurado naman ang 10 square meters bawat ombrellone at may distansya ng 1.5 metro ang bawat lettini.
Ang mga gym ay muling magbubukas sa June 1 at may individual sessions. Ang mga changing room ay kailangang organisado at may distansya ng 2 metro ang bawat papasok dito. Patuloy ang gagawing pagdi-disinfect sa mga fitness equipment. At ang staff na wala pang bakuna loban covid19 ay kailangang sumailalim sa regular screening.
Beach resort
Kailangang maghintay hanggang May 15 para sa pagbubukas ng mga beach resorts. Upang pahintulutan ang limitadong access sa mga beach establishments ay inirerekumenda ang reservation. Inirerekumenda rin paggamit ng mabilis na sistema ng pagbabayad gamit ang mga contactless card o sa pamamagitan ng mga website o app.
Fairs at Congress
Ang mga fairs at congress ay magbabalik sa buwan ng July. (PGA)
Basahin din:
- Road map ng unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon sa Italya, inanunsyo ni Draghi
- Pass para sa pagpunta sa ibang Rehiyon, ano ito?